Kababaihan, Kaya at Karapatdapat( Women, Deserving and Can)
Karapat Dapat at Kaya (Women, Deserving and Can)
2010 ay panahon ng pagkakapareho sa lahat ng bagay. Ang henerasyon na tinaguriang lahat ay pantay pantay. Mayaman, mahirap, lalaki o babae, lahat ay parepareho sa isip at kakayanan manilbihan sa gobyerno, gumawa ng batas, magpalaki ng pamilya, mangalaga sa lahat ng bagay na dati ay kalalakihan lamang ang gumagawa.
Si Gabriela Silang ang isang hinangaan sa katapangan nung panahon ng pakikipaglaban ng walang kasiguraduhan ngunit kinaya ang lahat ng bagay maipagtanggol lamang ang bayan. Nagkaroon na tayo ng babaeng presidente, Senador, Inhinyero at mga mambabatas na ating kinagigiliwan at hinahangaan sa kanilang natatanging katalinuhan at hindi pinagsasawalang bahala lamang ang lahat ng bagay na nangyayari sa kapaligiran. Nakihalo sa mga usaping bayan, sa mga labans panlipunan at nakipagtagisan ng talino at talento sa ibang bayan at dayuhang bansa. Si lea Salonga na kilala sa pag ganap na ‘Miss Saigon” sa amerika na hinangaan sa buong mundo at nakatanggap ng napaka raming parangal tulad ng prestihiyosong ‘Tony Award” sa London at nagbigay buhay sa boses ng ibat ibang sikat sa kartun tulad ng kimakantang gawa ng Walt Disney na kumpanya gaya ng Mulan at Jazmin sa Alladin.
Si Josie Natori na kilala sa kanyang pabango na “Natori” na sa ngayon ay hinahangaan sa amerika at buong mundo. Si Monique Lhuillier na isang Cebuana ay isa ng tanyag na nagdidisenyo ng mga damit pangkasal at mga pang malakihang okasyon sa amerika na sinusuot ng mga tanyag na artista sa sining. Sila ay ilan lamang sa kababaihan na nagwagi at nagtagumpay sa pinasok nilang larangan sa buhay at hinangaan sa ibang bansa. atin silang kinikilala sa natatanging kaalaman at masipag na pakikipagsapalaran sa mundo ng karangyaan.
Ang mga kababaihan sa ngayon ay kaiba sa ating mga ninuno. Palaban at di natatakot na sumuong sa hamon ng buhay. Nakikiisa sa mga samahan para ipaglaban ang karapatan, namamahagi ng kanilang kaalaman upang matulungan ang ating mga kapus palad na kababayan. Nakikiisa sa mga samahan ng pakikibaka upang makamit ang katarungan, nakikipagtagisan ng galing at di tumatalikod sa hamon ni kapalaran.
Sa napapanahong isyu tulad ng “Reproductive Health Bill” kung saan isa sa nakasaad ay ang pagpili sa tamang paraan ng pag kokontrol sa paglaki ng pamilya, pag iwas sa mga sakit na nakakahawa at mahirap gumaling, pag iwas sa pagkitil ng buhay o aborsyon, karapatang pumili para sa kanyang sarili s atamang pamamaraan ang ilan lamang sa nakasaad sa isinusulong na batas na ito.
Ako ay isa sa nagsusulong at namamahagi ng impormasyon upang ang karamihan sa ating kababayan at maging kaisa at magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol dito. Aking ipinagmamalaki ang aking mga nakasam at nakadaupang palad sa aking ipinaglalaban na karapatan. Hindi pa huli ang lahat. tayo ay may karapatang pumili kung anung nararapat sa ating sarili, ating pamilya at pag iwas sa hindi magandang gawain dahil tayo ay may sariling pag iisip at malayang pamamahayag ng nasasaloobin.
Sa pagdami ng tao o populasyon ngayon dito sa naghiirap nating bansa, kung hindi sagot sa problema ang batas na aming isinusulong, ito ay maaari namang maging dahilan ng ikagaganda ng pamumuhay ng mga mamamayan. Mas naaalagaan ng maayos ang mga nak dahil sa limitadong bilang, mas nabibigyan ng pansin at mas may posibilidad na makapagtapos ng pag aaral dahil sa nakakayang gastusin sa limitadong bilang ng mga anak.