Kung di ba naman nagbubulag bulagan ang ating mga nakaupo sa gobyerno tungkol sa katotohanang nagaganap sa ating bansa edi sana maunlad na at nakasulong na tayo sa kahirapan na ating pinoproblema noon hanggang sa ngayon. Atin silang inilagay sa posisyon, kinilatis ng mabuti at pinag aralan bago iboto, ang iba super henyo parang si superman, e ano bat kahit yata walang pinag aralan ay alam kung ano ang ibig sabihin ng “kurap- syon”. Tayo ba ay tinatawag nilang mangmang? may pinag aralan rin naman ang iba sa ating mga mamamayan na nakakaalam ng katotohanan at nararamdamang paghihirap na sitwasyon na ating sinusuong sa ngayon.
Ano ba naman Pnoy, amin kang ibinoto, bakit hanggang ngayon wala pa kaming nakikitang pagbabago tulad ng pinangako mong uunahin ang pagaalis ng “kurap- syon” sa ating bansa, abay kaliwat kanan na ang nahuhuli e patagalan naman ang desisyon kahit alam naman nating lahat ang katotohanan. Paano kami magiging “BOSS” e ni hindi pa nga kita nakakausap ng harapan maliban noong kampanyahan ng tinanong mo ako tungkol sa kasamahan kong mayor at magkatabi pa tayo sa upuan. Ganda nga ng ngiti mo noon kasama mopa si Mar na ngayon ay adviser mo, e paano naman kaming “BOSS” mo, wala ba kaming “SAY” dito?, nagkita rin tayo sa napaka garang bahay sa “Forbes” ng iyong tiyo, sarap ng pagkain at dami kong nakitang prutas, isa na dun ang “balimbing”.
Umpisahan natin sa Mendoza incident na kung saan maraming Hongkongers ang nasawi. Sa amerika, alituntunin na nila na walang negosasyon na magaganap bastat may terorista upang maiwasan ang pagkasawi at pagdamay pa ng ibang tao na magdudulot ng mga di sinasadyang sakuna. Ang ginawa ni Mendoza ay isang pananakot at sa huli ay nagbuwis pa ng maraming buhay ang maga Hongkongers na ito, kung sa umpisa ba naman ay nakapag desisyon na agad kung ano ang dapat gawin edi sana wala o isa na lamang na buhay ang nasawi, tutal, mali naman ginawa ni Mendoza at ang kinahatnan pa e mas maraming kamalian, edi sana sya na lang nasawi, nandamay pa e, pero sino ba sisihin ko na “BOSS” mo, sya o ikaw? E anlapit mo lang daw sa pinangyarihan ng krimen. Ano ba Pnoy, ako hanga sa tatay mo ha at inidolo rin ng tatay ko, antapang e at isa pa, palaban talaga, maaasahan, hero ko nga e at ng karamihang mamamayan, ipakita mo naman na may minana ka, kahit konti.
Ngayon ano naman itong mga katiwalian na Kurap-syon na galing sa mga sandatahan na isyu, sino pa ang aming paniniwalaan kung ang tagapagtanggol ng mamamayan ang kauna unahan na kumakamkam ng kaban ng bayan, aba e sa pulis takot na kami at sa lalake ba naman ng mga tiyan tapos mahilig pang mang kikil at may baril, pag dika ba naman natakot e ewan ko na sayo. paano na kaming mahihirap? mahihirap na isang kahig, isang tuka na kung hindi magtatrabaho ay walang makakain sa isang araw at maswerte na kami kung makakain ng tatlong beses sa isang araw. Ikaw kasi pa “BOSS BOSS” ka pang nalalaman edi sayo rin bumabalik, mali yata yung tinawag mo sa amin, dapat yata si Mar lang yung tinawag mong “BOSS” tutal sa kanya ka lang yata nakikinig. Paano na kami? Kami na nakakaranas ng gutom kung hindi magtratrabaho ng mahusay sa loob ng walong oras sa isang araw at anim na araw sa isang linggo? Ano ba talaga? Sumagot ka? Wala na kaming ginawa kundi makibaka, ni “baka” di kami makatikim, laping bitong libo raw ang lechon nito. Sarap pa naman ng steak sa TGIF pero yun kapag nagka bonus lang saka pa lang kami makakatikim nun, e ikaw kahit na pa hotdog hotdog ka sa amerika e sa amerika naman yun, e kami ni eroplano nga di namin alam itsura sa loob.
Ngayon ano naman itong usapin tungkol sa tinatawag nilang Reproductive Health Bill, medyo malabo samin ang ibig sabihin nito, e grade six lang pinag aralan ko e paano ko maiintindihan yan e INGLES. Baka naman pwede may translation sa tagalog, buti pa sa simbahan, yung aborsyon na binabanggit nila tuwing magsisimba ako naiintindihan ko, mali raw yang sinusulong ng mga tinatawag na sumusuporta s RH Bill na yan, aba e gumamit daw ng Condom, dyuskopo, mahal yun at isa pa, nakakahiya yatang ipagkalat at ipamahagi yan sa lipunan lalo na pag nakikita sa mga baryo, mga dalagang filipina pa naman kami dito, di kami sanay dyan at wala raw pating pakiramdam sabi ng asawa ko, kaya eto anim na anak namin, aba e ito ba namang si tororoy e naghahabol ng lalaki e puro babae kasi ang mga anak namin e may sakit pa naman ako sa puso, sabi naman ng pari na kaibigan ko, pag may nangyari sakin sa panganganak e ipagdarasal naman nya ako sampu ng mga kaparian at ng mga taong simbahan, salamat naman kay father at sa langit ang diretso ko, sana nga lang matulungan nya yung mag anak ko kasi ang hirap ng maraming anak, e 250 pesos lang sweldo kada araw ng asawa ko bilang labor sa isang konstraksyon kung nakapag tapos ba naman sana kaming dalwa ng pag aaral sana inhinyero na sya at yun gusto nya, magtayo ng magagandang bahay at ako naman gusto ko titser, gusto ko kasi matulungan na magkaroon ng maraming kaalaman ang mga kabataan, kasi naniniwala naman ako na ang kabataan ang pag asa ng bayan. Ngayon Pnoy, ano masasabi mo, tama ba na ipasa agad ang RH Bill na ito upang makapagbigay daw ng kwalidad ng buhay sa halos lahat ng mamamayan, kung di man totoo, e makipagsapalaran na kaya ikaw? isa pa makakapagpabawas daw ito sa pagkakaroon ng mga nakakahang sakit mula sa pakikipagtalik tulad ng AIDS at HIV, toto ba yun? wala kasi kaming alam dyan at dito sa probinsya walang pakialam mga tao dito at wala naman daw talagang katotohanan yan, sa mga bakla lang daw yan. At isa pa Pnoy, yung tamang edukasyon daw ay isa sa nakasaad dito sa RH Bill na ito para sa lahat ng tao na nangangailangan sa pakikipagtulungan ng lokal na gobyerno at mga kawani ng medisina na nakaalam o mga espesyalista, parang okey to Pnoy, pero bakit andaming natutol at baka raw mauswi sa KURAP-SYON na naman, ediba iyon nga una mong gagawin ang sugpuin o bawasan ang KURAP-SYON dito sa ating lipunan? May naumpisahan kanaba?
Ang hirap dito sa barrio, maglalaba ako sa ilog mamaya kasi wal pang kuryente dito sa lugar namin, ni walang internet na tinatawag, dito pa ako nagawa nitong sulat na ito sa malayung lugar na may bayad, e ang mahal, kumupit lang ako sa kapatid kong nag duya japan, kadarating lang kasi kanina at daming dalang pasalubong, walang magagawa e, doon yata may datung at dito sa barrio, walang trabaho, nadagdagan pa ng halos talong libong pamilya mula s maynila, e wal lahat trabaho yung mga iyon, diko alam kung paano nangyari, di naman ako makalapit sa munisipyo, baka inglisin ako ng mga tao dun e di ako makasagot at isa pa, walang papansin sa kin dun, mahirap lang ako, e sila may mga pinag aralan yata, pero hanga ako dun sa mga iyon, sa mga konsehal at mga nakaposisyon, nakakapag pagawa ng bahay mula sa sweldo sa munisipyo, malaki ba sweldo dun? siguro malaki, kaya sabi ko dito sa mga anak ko e pag lumaki sila, kumandidato rin para makapag pagawa naman sila ng bahay namin at dito lang kami sa kubo nakatira, dipa sa amin itong lote, pero limampung taon na kami dito, dito na rin pinanganak ang aking ina, pero wala pa namang nagpapaalis sa amin at yung may ari yata nasa abroad, wag na sanang bumalik at may sentimental na halaga na sa amin ito at isa pa may lider kami dito, ipaglaban daw namin ang aming karapatan na matagal na kami dito e amin na ito, pero di kaya kami maihabla sa “trespassing”? Pnoy dami kong tanong, sana masagot mo at sana yang si mar na mayaman aba e ikaw na may ari ng napakaraming inprastraktura sa maynila at siguro magaling nga yan kasi sya kinuha mong tagapag payo e. sana tama lahat magiging desisiyon mo at daming buhay sayo nakasalalay kung di man mamithi sa ngayon kahit sa susunod na henerasyon na lang, tutal matanda na ako, sana ang buhay ng mga anak ko at ng ibang kabataan ang mabago naman, hirap na buhay sa ngayon, sana di na maranasan ito ng mga anak ko.
O paano, bahala ka na, ayoko namang sabihin na bahala na si batman, eh ikaw may pinag aralan, matalino, may power sa gobyerno, napapalibutan ng magagaling na tagapagpayo, sana masolusyunan sa madaling panahon lahat ng katanungan ng taong bayan, minsan nag iisip rin naman kami, ang diko maisip e bakit mo kami sinabihan na kami ang “BOSS” mo….diko yun ma gets. O dito na muna, sana magkaharap tayo muli…at sana sa susunod nating pagkikita, ako na tagapag payo mo, baka kailanagan mo ako, kasi ako nakakaranas ng paghihirap, paano mo aalamin ang nararanasan ng isang ordinaryong mamamayan kung puro mayayaman at may mga pinag aralan at di nakakaranas ng kahirapan ang kasama mo..wala lang nagtatanong lang. hanggang sa muli.
Ang iyong “BOSS”.
– Gracia
Kurap-syon

Related Posts
Twitter reactions on @inquirerdotnet four “controversial” photographs of defense witness Demetrio Vicente
Ruffy Biazon: AA Resident, Anti Ordinance 01-2011, Pro RH and why he is embarassed
Helping our children deal with violent, graphic images from this #WarOnDrugs
About The Author
Grace Nicolas (edited by Noemi Lardizabal-Dado)
http://www.empoweredgrace.blogspot.com