Habang naghihintay ako ng sasakyan papuntang opisina, natanawan ko ang mamang ito, basa sa ulan at marumi ang kasuotan. Katatapos lang kasi ng ulan kaya hindi kataka-takang nanginginig siya sa ginaw. Kapalit ng ilang mamiso galing sa mga drayber sa kanyang pagtatawag ng pasahero, hindi niya alintana ang hirap at pagod.
Nakatataba ng puso na makita na talagang may mga taong sa halip na kumapit sa patalim ay nagtitiis sa mga mumunting trabaho upang kumita ng salaping makatutulong sa kanilang ibsan ang kumakalam na sikmura. Kilala tayong mga Pilipino bilang isa sa mga pinakamasisipag na tao sa mundo. Sa kabilang dako, malaki pa rin ang porsyento ng mga walang trabaho sa ating bansa. Ayon sa statistics na galing sa Social Weather Stations, tumaas sa 29.4% noong Agosto taong 2012 ang bilang ng nagbibilang ng poste. Ito ang isa sa mga isyu na dapat ay pagtuunan ng pansin ng ating mga susunod na mambabatas. Sa darating na eleksyon, alamin natin kung ang ating kandidato ba ay may adbokasiyang magkaroon ng sapat na trabaho ang mga mamamayan. Mahalagang alamin natin kung ang atin bang kandidato ay tunay na naglalayong bigyang solusyon ang mga masidhing suliraning nakatanikala sa ating bansa.
Ang Wikipilipinas ay isa sa mga naglalayong tumulong sa mga mamamayan upang makapili nang nararapat iboto sa darating na eleksyon sa pamamagitan ng mga artikulong nagsasaad ng mga impormasyon sa 33 kandidato. Ang #KnowYourCandidate ay kampanya ng WikiPilipinas. Makiisa tayong palaganapin ang kaalamang ito! Maaring i-follow ang @WikiPilipinas sa twitter: Maari ring i-like sa Facebook
About The Author
Ann Camille Joaquin
One who believed in the power of journalism. A dreamer, a writer, a lady who loves to read anything under the sun. Journalism captured her heart since her elementary days. You might have crossed road with her during campus journalism competitions before. Who knows?
"Influence. Live and die with right principles. Be a productive Filipino citizen."-ACJ
#KnowYourCandidate #juanvote
#KnowYourCandidate: Kanino ka Magtitiwala?
Habang naghihintay ako ng sasakyan papuntang opisina, natanawan ko ang mamang ito, basa sa ulan at marumi ang kasuotan. Katatapos lang kasi ng ulan kaya hindi kataka-takang nanginginig siya sa ginaw. Kapalit ng ilang mamiso galing sa mga drayber sa kanyang pagtatawag ng pasahero, hindi niya alintana ang hirap at pagod.
Nakatataba ng puso na makita na talagang may mga taong sa halip na kumapit sa patalim ay nagtitiis sa mga mumunting trabaho upang kumita ng salaping makatutulong sa kanilang ibsan ang kumakalam na sikmura. Kilala tayong mga Pilipino bilang isa sa mga pinakamasisipag na tao sa mundo. Sa kabilang dako, malaki pa rin ang porsyento ng mga walang trabaho sa ating bansa. Ayon sa statistics na galing sa Social Weather Stations, tumaas sa 29.4% noong Agosto taong 2012 ang bilang ng nagbibilang ng poste. Ito ang isa sa mga isyu na dapat ay pagtuunan ng pansin ng ating mga susunod na mambabatas. Sa darating na eleksyon, alamin natin kung ang ating kandidato ba ay may adbokasiyang magkaroon ng sapat na trabaho ang mga mamamayan. Mahalagang alamin natin kung ang atin bang kandidato ay tunay na naglalayong bigyang solusyon ang mga masidhing suliraning nakatanikala sa ating bansa.
Ang Wikipilipinas ay isa sa mga naglalayong tumulong sa mga mamamayan upang makapili nang nararapat iboto sa darating na eleksyon sa pamamagitan ng mga artikulong nagsasaad ng mga impormasyon sa 33 kandidato. Ang #KnowYourCandidate ay kampanya ng WikiPilipinas. Makiisa tayong palaganapin ang kaalamang ito! Maaring i-follow ang @WikiPilipinas sa twitter: Maari ring i-like sa Facebook
Related Posts
Earth Hour around the world
5 things Duterte’s first SONA will be (and will not be) and hints on what the next 6 years will be like
Youth to legislators: “Your actions speak louder than your lack of words”; Right of Reply in FOI will turn it into a ‘zombie bill’
About The Author
Ann Camille Joaquin
One who believed in the power of journalism. A dreamer, a writer, a lady who loves to read anything under the sun. Journalism captured her heart since her elementary days. You might have crossed road with her during campus journalism competitions before. Who knows? "Influence. Live and die with right principles. Be a productive Filipino citizen."-ACJ #KnowYourCandidate #juanvote