Group of Farmers for the Agrarian reforms. “DAR, gives then take away, corrupt officials must be accountable.”
This is a press statement from Pesante Inc.
KAMPONG MAGBUBUKID PARA SA KARAPATAN SA LUPA. “KAGAWARAN NG REPORMANG AGRARYO, BIGAY-BAWI! TIWALING OPISYAL PAPANAGUTIN!
Mga mahigit sa 100 magbubukid mula sa mga lupain ni Francisco Duque sa mga bayan ng Pangasinan, mula sa lupain ng Modlex sa Cavite, libo-libong ektarya ng Hacienda Yulo sa Laguna, mga binabawian ng CLOA sa UCPB sa Batangas at Hacienda Maloles sa Laguna, mga pinaslangan, kinulong, ginipit sa lupain ng Saulog ng Mindoro at ang mga binubugbog na magbubukid sa malawak na lupaing nakatiwangwang sa bayan ng Coron, Palawan ang ngayon ay sama-samang maglulunsad ng pagkakampo sa harap ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan sa lungsod ng Quezon upang iparating sa mga kinauukulan ang napakasaklap na inaabot ng mga magbubukid sa ibat-ibang lokalidad ng bansa para pagtatanggol sa Batas sa Repormang Agraryo.
Libo-libong mga bata, mga nanay at padre de pamilya ang patuloy na lumalaban para magkaroon ng disenteng pamumuhay sa ngalan ng pinahabang buhay ng “Repormang Agraryo” ngunit sa bawat Segundo ng pag-usad ng buhay, buhay din ang nawawala, nabubuwis sa ngalan ng Repormang Agraryo.
“Maraming magbubukid ang umasa sa “tuwid na daan” ni Pangulong Noynoy ngunit tila yata walang matuwid na daan bagkus ang binaluktot at pinutol na daan ang namamayani sa knayang administrasyon”, pahayag ng mga magbubukid sa lupain ni Francisco Duque sa Pangasinan.
Daggad pahayag ni Ka Mert Dumayas pangalawang pangulo ng PESANTE Pilipinas, ang sentro ng programa ng dating Pangulong Cory Aquino ay ipamahagi ang lahat ng mga lupaing agricultural, proteksyunan at bigyan ng suportang serbisyo ang mga magbubukid sa ngalan ng Repormang Agraryo at Hustisyang Panlipunan na siya ding itinatadhana ng 1987 Philippine Constitution. Bakit ngayon sa panahon ni Pinoy, hanggang taong 2014 na lamang ang Repormang Agraryo? Paano niya natitiyak na kanyang ipamahagi lahat ang natitirang lupaing agricultural, gayong taon-taon ay may backlog ang pangasiwaan ng DAR mula sa orihinal na target nito. Nais din naming matapos na ang pamamahagi ng lupa sa mg amagbubukid, ngunit hindi sa pamamaraang mapanlinlang. Karamihan ng mga magbubukid ay hinihikayat ng ilang tiwaling MARO na pumayag na lamang sa kagustuhan ng may-ari ng lupa na huwag ng sumailalim sa Repormang Agraryo dahil sa matatapos na ang batas.
At ang pinakamasahol, ay ang naipagkaloob ng CLOA sa mga magbubukid ay binabawi sa ngalan ng “Retention at Exemption”, mga probisyon sa batas na hindi dapat pinalusot ng DAR dahil sa walang legal na basehan kung batas at ang prosesong pinagdaanan din mismo ang susundin.
Hindi mananahimik ang kilusang magbubukid, hinahamon namin si Secretary Virgilio de los Reyes na pangunahan ang pagtutuwid ng daan. Papanagutin ang mga tiwaling opisyal sa loob ng Kagawaran.
Mananatili ang mga magbubukid sa harapan ng DAR upang bantayan ang mga dapat sanang “public servant at hindi landlord servant”, para sa makatotohanan at tapat ng pagpapatupad ng Repormang Agraryo.