PESANTE Pilipinas
This is a press release from PESANTE Pilipinas
Maligayang Bati! Kayo po ay lugod naming iniimbitahan na dumalo sa isang malawakang pagpupulong para sa ating mga kababayang magsasaka na magmumula pa sa ibat ibang panig ng kapuluan.
Ang PESANTE Pilipinas ay maglulunsad ng ikalawang Pambansang Kongreso na gaganapin sa Covered Court sa Bragy. Kanluran, Calauan, Laguna ngayong darating na Septyembre 2-3, 2011. ito po ay lalahukan ng 210 na delegado ng mga magbubukid buhat sa Laguna, Batangas, Caavite, oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Palawan, Rizal, Pangasinan, Iloilo at Sarangani province.
Ang mga inaasahang lalahok upang magbigay ng mga programa para sa mga magsasaka ay ang mga sumusunod:
Vice President Jejomar Binay
Bishop Leo M. Drona of the Diocese of San Pablo
Mayor Felisa Berris of Calauan, Laguna
Congresswoman Ivy Arago of the 3rd District of Laguna
Governor ER Ejercito of Laguna
Secretary Dinky Soliman of DWD
USEC Narciso Nieto of DAR
Secretary Proceso Alcala of DA
Secretary Ramon Paje of DENR
Chairman Loreta Rosales of CHR
Humigit kumulang sa 400 na katao ang dadalo sa nasabing pagpupulong upang maibigay ang kani kanilang hinaing, programa at katanungan sa mga namumuno sa ating bayan.
Ako po at ang iba pang kasamahan sa PESANTE ay lubos at bukas pusong humihiling na sana ay matulungan kami sa pagkain na pagsasaluhan ng mga magsisipagdalo. Sa kasalukuyan ay isang kabang bigas pa lamng po ang aming natatanggap.
Para po sa inyong donasyon, mangyari pong ipaalam sa numerong 09272378533 o ipadala sa email na [email protected]
Marami pong salamat at ito ay para sa magsasaka nating kababayan.
Grace Bondad Nicolas
Tagapamahala