Ang sanaysay na ito ay hinggil sa aking pananaw at kondemnasyon sa bangkaroteng arbitraryo at unilateral na abrogasyon ng Departamento ng Tanggulang Pambansa (DND) ukol sa kanilang Kasunduan sa University of the Philippines (UP) noong pang 1989 na mas kilala sa pangalang UP-DND Accord.
Sa aking tingin, bukod sa bangkarote, kaduda-duda at kuwestiyunable ang naging desisyon na ito ng Kalihim ng DND ay masasabing ito ay isa ding napakaimpertinenteng hakbang.
Ayon sa nasabing Kalihim, ang layon daw nito ay para protektahan ang mga mag-aaral sa banta ng Komunismo, rebelyon at iba pang mga ideolohiya na kumakalaban daw sa gobyerno nila.
Poprotektahan daw nila ang mga kabataan? Ang tanong: wala ba siya sa Pilipinas at di nya alam na dahil sa pandemiko ay online na ang pagtuturo/pag-aaral? Naturalmente, walang mga mag-aaral sa UP! Sino ngayon ang poprotektahan niya/nila?
Ang problema hindi lang problematiko ang kanilang naging hakbang, bukod pa sa hindi maitatatwang napakalaki ng suliranin nila sa pag-iisip na lubha nang malala sa aking tingin!
Una, yung usapin ng timing. Sandamakmak ang suliranin ng bansa, mula sa kagutuman, kawalang-trabaho, palpak na programang medikal, mga naglipanang peke at di rehistradong bakuna at kaputahan sa pamamahagi ng SAP.
Tapos ito ang pagkakaabalahan ng nasabing ahensya na yaon?
Bakit di kaya siya o sila doon sa West Philippine Sea maglagi at magbantay upang ipagtanggol ang ating Sorebenya at Dangal bilang isang bansa?
Bakit hindi nila tutukan yung mga sandamakmak na mga Beho dito na sandamakmak ding mga krimen ang dinadala at ginagawa dito?
Bakit hindi yung mga POGO na hindi nagbabayad ng tamang buwis?
Yung mga ungas na PSG at maging ilang senadog na kesyo nagpatira na nang bakuna na di naman rehistrado?
Hindi ba yaon labag at banta sa ating pambansang seguridad?
Bakit hindi ang mga yaon ang unahin ng DND?
Alam natin ang sagot ang hindi nakakaunawa na ang layon lamang ng DND upang ipawalang-bisa ang Kasunduan nito sa UP ay upang i-divert (na naman) ang pansin at atenyon ng publiko sa mga problemang aking tinukoy sa itaas.
Ikalawang problema sa naging pasya ng DND ay hinggil sa usapin ng legalidad.
Maliwanag na nasusulat sa Article 1308 ng Civil Code ng Republika ng Pilipinas na:
The contract must bind both contracting parties; its validity or compliance cannot be left to the will of one of them.
Ibig sabihin, “ang kasunduan ay dapat magbigkis sa isat isa, ang bisa o pagtupad ay hindi maaring ipaubaya sa kagustuhan ng isa sa kanila.” Kung gayon, maliwanag sa ating batas na dahil sa ito ay pinagkasunduan ng dalawang panig, nangangahulugan na ang pagpapawalang-bisa nito ay kinakailangan din ng pagkakasundo ng dalawang panig.
Hindi pupwde na dahil sa trip ‘nya o ng boss ‘nya ay okay na; dahil kung ganoon ay isasampal ko kapwa sa kapal ng pagmumukha nila ang Kodigo Sibil ng bansang ito.
Katulad din ng ginawa ng eng-eng na gobyernong ito na nagpasyang umalis sa kasunduan sa ICC. Yaon ay hindi din maaari, sapagkat ayon sa Saligang Batas ay kinakailangan ang pasya o desisyon ng Senado na kabahagi sa nasabing Tratado o Kombensyon.
Bukod sa dali-dali at arbitraryong desisyon ng DND, ay ni hindi din ito humingi ng pagpupulong o konsultasyon sa kabilang panig upang idulog ang mga saloobin o tingin nito.
Bakit hindi din nito idinaan sa legal na proseso ang usapin? Halimbawa, ayon sa bangag na Kalihim mismo ay kesyo obsolete na daw ang Kasunduan at ayon pa sa isang ungas na tagapagsalita nila ay kesyo with the “passage of time” ay wala na daw itong bisa.
Ito ay mga, tulad ng tinuran ko na sa itaas ay mga impertinente, bangkarote at kuwestiyunable nilang mga asersyon at baluktot na pananaw.
Kung ibig nilang mapatunayan ang katotohanan ng kanilang tingin at tindig, marapat na sana ay idinulog nila sa hukuman ang mga isyung ito, sapagkat ang mga katanungan ay nakabatay sa batas at legalidad.
Ayon sa opisyal na pahayag ni Pangulong Danilo Concepcion:
“I must express our grave concern over this abrogation, as it is totally unnecessary and unwarranted, and may result in worsening rather than improving relations between our institutions, and detract from our common desire for peace, justice, and freedom in our society.
“That agreement was forged with the formalities that attend the execution of agreements, imbued with the highest sense of fidelity of the parties. It was grounded in an atmosphere of mutual respect, which we were able to maintain for 30 years through the observance in good faith of its provisions. With few exceptions, protocols were observed and any problems or misunderstandings were amicably and reasonably resolved. The agreement never stood in the way of police and security forces conducting lawful operations within our campuses. Entry was always given when necessary to law enforcers within their mandate.
“We regret that the agreement was abrogated unilaterally, without the prior consultation that would have addressed the concerns you raised in your letter. Instead of instilling confidence in our police and military, your decision can only sow more confusion and mistrust, given that you have not specified what it is that you exactly aim to do or put in place in lieu of the protections and courtesies afforded by the agreement.
“Perhaps this will be a good opportunity to emphasize that we sought and secured that agreement not to evade or weaken the law, but to protect the climate of academic freedom—guaranteed by the Constitution—that makes intellectual inquiry and human and social advancement possible. We want to maintain UP as a safe haven for all beliefs and forms of democratic expression. In that, all the signatories to the agreement believed and bound themselves to uphold.”
Kung kaya naman, kasama’t-kabahagi ng bawat kawani, mga tagapamahalaga, alumni, lahat ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas at ating mga Kababayan ay sumasama ako sa kanilang mariing pagkondena at pagtutol sa bangkaroteng desisyon na ito ng DND na ayon sa isang ulat ay kesyo sinusuportahan daw ni Mang Kanor, pero kesyo hindi din daw siya kinunsulta, bwahahahahahaha!
Anak ng puta! Sumusuporta, pero di pala kinunsulta, eh ano ang sinusuportahan? Ang kumot at unan?
Lumalabas na hindi lang pala ang UP ang bi-nay-pass, kundi pati si Mang Kanor? Does it mean, consistent si Secretary? O as usual ay style lang ito?
Anu’t-anuman, ayokong patulan ang kanilang basurang script, ngunit ibig ko ding kondenahin ang isa pang ungas at utak-pulburang senadog na isang berdugo din noong panahon ng Batas Militar na kesyo sang-ayon daw siya sa naging pasya ng Kalihim ng DND, sapagkat kesyo hotbed daw ng aktibismo ang UP.
Ang ipinagtataka ko sa mga ito ay: bakit hanggang ngayon ay hindi nila maunawaan ni maintindihan kung bakit ba nagkakaroon ng aktibista, ng mga rebelde at mga rebolusyonaryo?
Hindi ang UP ang problema, ang problema ay ang sistemang umiiral sa bansa na lumilikha ng mga manghihimagsik.
Gayundin, hindi monopolyo ng UP ang pagrerebelyon at aktibismo, ngunit inaamin kong dito ito nagsisimula, gawa na din ng pagiging Pambansang Unibersidad nito, marangal, radikal at madugong kasaysayan na nakabatay sa mga Prinsipyo ng Karangalan at Kagalingan.
Gayompaman, makabuluhang salungguhitan na ang UP ay kapwa lumilikha ng Sith Lords at Jedi Masters. Ayon nga ay dating Pangulong Dodong Nemenzo sa isa nitong talumpati noong 1999, “UP produced both the angels and the demons.”
Hindi totoo na hotbed lamang ito ng aktibismo, sapagkat dito din pinapanday ang mga tagapagpundar at tagapagpatuloy ng sistema.
Halo-halong kalamay kami dun, katulad din sa pangkabuuan ng malawak na lipunang-Pilipino.
Tulad nga ng ipinagwika ng kasalukuyang Chancellor ng UP Diliman na si Propesor Fidel Nemenzo:
“Academic freedom is the lifeblood of UP. In UP, anyone should be able to think and speak out, no matter what he or she espouses… We will protect and defend academic freedom, and our university, so that we may continue to serve the nation in no less th best and most enabling ways that history has taught us.”
Kailangang makita ng taong-bayan na bukod sa diversionary ang taktika na ito ng militar ay may kaakibat din itong napakamapanganib na tendensiya na kailangang komprontahin, bakahin at labanan ng buong mamamayang Pilipino sa buong bansa.
Ang UP ang mikrokosmo ng lipunang-Pilipino, kung kaya naman ang militarisasyong nakaamba o magaganap sa banal na lugar na ito ay tutungo sa malawakan at pambansang militarisasyon — kalaunan.
Dapat itong mariing tutulan ng buong bayan. Huwag sana nating kalimutan kailanman na ang UP ang isa sa unang tumindig upang kabakahin ang pasistang Marcos at kalaunan ang Batas Militar ng ungas na yaon sa pamamagitan ng pagtatatyo ng Diliman Commune.
Ilang araw mula ngayon ay gugunitain natin ang anibersaryo ng makasaysayang Commune. Nakalulungkot lamang na matapos ang limampung taon ay muli tayong humaharap sa panibagong Pasismo at Militarismo ng estado.
Kung kinakailangan natin ng Diliman Commune Part 2, then so be it!
We have to defend and fight for UP — to the Death!
Ang Unibersidad ng Pilipinas bilang mikrokosmo ng paghihimagsik pangkalahatan ng Lipunang-Pilipino

Related Posts
Bong Vhong: The Dull Resonant Sound of Boob Tube Boo-Boos (Part 1 of 2)
Motives, social media and the World Bank leakage
Hazard resilient agriculture practices in the Philippines
About The Author
Jose Mario de Vega
The writer has a Master’s degree in Philosophy, a law degree and a degree in AB Political Science. He was previously teaching Philosophy, Ethics and Anthropology at an institution of higher education in Nilai University College at Nilai, Negeri Sembilan, Malaysia As of the moment, he is preparing to publish his first book entitled “Dissidente”. It is a collection of his articles, commentaries and op-ed published by various newspapers in Southeast Asia, including the Philippine Daily Inquirer.