HomeElectionsBoboto ako para panatilihing huling balwarte ng checks and balances ang Senado
Boboto ako para panatilihing huling balwarte ng checks and balances ang Senado
April 20, 2019
(This is the Filipino version of “I am voting to keep the Senate as the last bastion of checks and balances”. For the English version, click here.)
Ilang linggo na lamang ang nalalabi bago ang eleksyon sa Mayo 13. Nagkakandarapa na ang mga kandidato para sa huling-minutong pangangampanya sa lahat ng dako upang maabot ang mas maraming botante sa loob ng natitirang mga araw ng opisyal na panahon ng kampanya.
Nitong mga huling araw, madalas kong sinusuri ang panimulang listahan ko ng mga kandidato. May mga tao sa administrasyon na sa tingin ko ay karapat-dapat kong iboto. Mayroon din naming nasa oposisyon na hindi ako masyadong sigurado.
Ano ang naging huling batayan ko? Sa kasalukuyang estado ng gobyerno, ano sa palagay ko ang prayoridad na dapat gamiting pamantayan kung sino ang dapat kong iboto?
Narito kung paano ko binuo ang kasalukuyang listahan ko ng mga kandidato. Hindi pa ito final, dahil may natitira pa tayong ilang linggo bago maghalalan.
Ang isang sistemang demokratiko ay nangangailangan ng tunay na sistema ng pagsusuri at paninimbang (checks and balances). Sa ating presidential na sistema ng pamahalaan, ang mga sangay na ehekutibo (executive), lehislatura (legislative), at hudikatura (judicial) ay DAPAT maging malaya, at ang bawat isa ay sinusuri ang dalawang iba pa. Mas mahalaga, ang hudikatura AT ang lehislatura ay dapat balansehin ang ehekutibo.
Sa aking palagay, hindi ito nangyayari.
Ang Mababang Kapulungan (Lower House) ay malakas na mayorya, na pabor sa kasalukuyang administrasyon.
Ang Korte Suprema, na binubuo ng mga appointees ni Duterte, Aquino, at Arroyo ay nagpapakita ng istilo ng pagboto ng nagiging dahilan ng aking pag-aalinlangan kung ito nga ay isang tunay na malayang Korte Suprema. Sa artikulong ito ng Interaksyon noong 2018, ang mga boto sa mga malalaking kasong isinampa sa Korte Suprema, na sumang-ayon o nagpahintulot sa pag-absuwelto kay Gloria Macapagal-Arroyo, pagpapiyansa ni Enrile, pagpapalibing kay Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, ang legalidad ng pag-aresto kay Sen. de Lima, pagpapalawig ng martial law sa Mindanao, at bisa ng paghirang sa dating SC Chief Justice Sereno, ay dominado ng mga appointees nina Duterte at Arroyo.
Ang mga sumusunod na infographics ay nakita ko online at ginamit ko rito nang may pahintulot mula sa Interaksyon.
Sa mga pinakahuling survey, halos lahat ng mga nasa Top 12 ay kandidato na tumatakbo sa tiket ng administrasyon. Sa ngayon, dalawang kandidato lamang ng oposisyon ang posibleng makapasok sa Magic 12.
Ang Senado ba ay magiging malakas na mayorya tulad ng Lower House? Kung mangyayari ito, lahat ng tatlong sangay ng gobyerno ay magiging dominado ng mga appointees ng administrasyon o ng mga opisyal ng gobyerno na malapit sa administrasyon.
Ang kritikal na bilang na nakikita ko ay 17. Kung may 17 senador ka sa iyong hanay, madali mong mahikayat ang boto ng Senado para sa simple majority (12 + 1) at two-thirds vote (16 + 1). Natural lamang na ang lahat ng mga kasalukuyang nanunungkulan, at ang mga mahahalal na senador ay igigiit na sila ay independent, at ang kanilang mga desisyon ay hindi mai-impluwensiyahan ng sino man. Ngunit kailangan lang tingnan kung paano ang naging pagboto sa mga isyu, pati na ang pangangatwiran sa pagpasa o hindi pagpasa sa mga batas sa mga nakalipas na araw sa Kongreso at sa Korte Suprema. Kahit ang tulad kong hindi abogado ay hindi lamang minsan nagpaikot ng mga mata .
Ang tiket ng Otso Diretso ay hindi perpekto. Sa katunayan, kung ito ay ibang klase ng eleksyon, ang iba sa kanila ay hindi mapapasama sa listahan ko. Binatikos ko rin ang ilan sa kanila nang sila ay naupo sa gobyerno. Hindi ko ibinoto si Mar Roxas noong 2016 dahil sa iba’t ibang dahilan, ngunit ibang kuwento na ang bagay na iyon.
Pero hindi ito ang panahon para sa walang kabuluhang usapan.
ANG GUSTO KO AY ANG ISANG SENADONG TUNAY NA MALAYA. Maisasakatuparan lamang ito kung ang mga bumubuo ng Senado ay may makatwirang representasyon mula sa oposisyon. Sa isang tunay na demokrasya, kailangan nating tangkilikin, sa halip na patahimikin, ang oposisyon. Kung ang lahat ng sangay ng gobyerno ay dominado ng administrasyon – ng mga opisyal na kasang-ayon nito — mawawalan tayo ng check and balance.
Bilang isang dating auditor na sumuri sa maraming kumpanya sa iba’t ibang industriya, sinanay akong hanapin ang isa sa mga mahahalagang aspeto ng mahusay na internal control – ang isang mabisang sistema ng check and balance. Kung may isang sangay ngayon na may kakayahang manuri, magtanong, mag-imbestiga, at mag-desisyon – nang may wangis pa ng pagiging malaya, ITO AY ANG SENADO.
Isusugal ko ang aking kapalaran sa oposisyon ngayon. Wala silang makinarya o mapagkukunan ng mga pangangailangan tulad ng mga nakaupo sa pwesto, pero gusto ko silang bigyan ng pagkakataong lumaban. Habang pinag-aaralan ko ang kanilang mga karanasan, masasabi ko ring sila ay may kakayahang manilbi bilang mga senador.
Nasa listahan ko ang kabuuan ng Otso Diretso at dalawa pang kandidato. May puwang pa ako para sa dalawa pang kandidato na siyang pag-iisipan ko hanggang sa darating na eleksyon. Narito ang listahan ko sa ngayon (alphabetical order):
Sa mga taong ito sa listahan ko, gusto kong sabihin sa inyo:
Ang pagboto ko sa inyo ay nangangahulugang bilang isang mamamayan, ibinibigay ko ang tiwala ko sa INYO. Inaasahan kong kayo ay magiging lingkod bayan na uunahin ang kapakanan ng nakararami kaysa sa inyong sariling interes. Kung kayo ay mahahalal, ituturing kong personal ang inyong pananagutan sa akin, at pupurihin ko kayo para sa mga tamang gawain, o pupunahin sa inyong mga kamalian. Ito ay tungkulin at KARAPATAN ko bilang mamamayan ng isang demokrasya kung saan ang pakikilahok sa pamamahala ay hinihikayat.
Kung hindi pa kayo makapagpasya kung sino ang iboboto ninyo, sana ay isaalang-alang ninyo ang mga rasong nabanggit. Sabi nga nila, kung sino ang binoto mo, siyang mapapala mo. Isipin ninyo…ano ang mapapala niyo sa mga pinili ninyong kandidato? Good luck sa magiging desisyon ninyo. Kung madasalin kayo, ipagdasal ninyo na bigyan kayo ng tamang pagpapasya. Pagpalain nawa ng Diyos ang ating bansa at biyayaan nawa tayo ng katotohanan, katarungan, at kapayapaan.
Jane T. Uymatiao is known as @citizenjaneph. She spent more than 15 years as an IT auditor/consultant at an accounting firm and another 2.5 years as VP-Head of a bank's Corporate Planning Division. She has been blogging for about 16 years now and is one of the early adopters of social media. She believes in active citizen engagement, pushing for transparency and good governance, and is often tapped to speak on social media-related topics. Her personal blogs are: yoga and wellness (yoginifrommanila.com), tech (titatechie.com), lifestyle (philippinebeat.com), and personal (janeuymatiao.com)
Jane has a Master’s degree in Business Administration, major in International Business with a focus on Strategic Management, from the Wharton School, University of Pennsylvania. She is also a certified yin yoga teacher. More details at www.linkedin.com/in/janeuymatiao
Updated: August 2022
Boboto ako para panatilihing huling balwarte ng checks and balances ang Senado
(This is the Filipino version of “I am voting to keep the Senate as the last bastion of checks and balances”. For the English version, click here.)
Ilang linggo na lamang ang nalalabi bago ang eleksyon sa Mayo 13. Nagkakandarapa na ang mga kandidato para sa huling-minutong pangangampanya sa lahat ng dako upang maabot ang mas maraming botante sa loob ng natitirang mga araw ng opisyal na panahon ng kampanya.
Nitong mga huling araw, madalas kong sinusuri ang panimulang listahan ko ng mga kandidato. May mga tao sa administrasyon na sa tingin ko ay karapat-dapat kong iboto. Mayroon din naming nasa oposisyon na hindi ako masyadong sigurado.
Ano ang naging huling batayan ko? Sa kasalukuyang estado ng gobyerno, ano sa palagay ko ang prayoridad na dapat gamiting pamantayan kung sino ang dapat kong iboto?
Narito kung paano ko binuo ang kasalukuyang listahan ko ng mga kandidato. Hindi pa ito final, dahil may natitira pa tayong ilang linggo bago maghalalan.
Ang isang sistemang demokratiko ay nangangailangan ng tunay na sistema ng pagsusuri at paninimbang (checks and balances). Sa ating presidential na sistema ng pamahalaan, ang mga sangay na ehekutibo (executive), lehislatura (legislative), at hudikatura (judicial) ay DAPAT maging malaya, at ang bawat isa ay sinusuri ang dalawang iba pa. Mas mahalaga, ang hudikatura AT ang lehislatura ay dapat balansehin ang ehekutibo.
Sa aking palagay, hindi ito nangyayari.
Ang Mababang Kapulungan (Lower House) ay malakas na mayorya, na pabor sa kasalukuyang administrasyon.
Ang Korte Suprema, na binubuo ng mga appointees ni Duterte, Aquino, at Arroyo ay nagpapakita ng istilo ng pagboto ng nagiging dahilan ng aking pag-aalinlangan kung ito nga ay isang tunay na malayang Korte Suprema. Sa artikulong ito ng Interaksyon noong 2018, ang mga boto sa mga malalaking kasong isinampa sa Korte Suprema, na sumang-ayon o nagpahintulot sa pag-absuwelto kay Gloria Macapagal-Arroyo, pagpapiyansa ni Enrile, pagpapalibing kay Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, ang legalidad ng pag-aresto kay Sen. de Lima, pagpapalawig ng martial law sa Mindanao, at bisa ng paghirang sa dating SC Chief Justice Sereno, ay dominado ng mga appointees nina Duterte at Arroyo.
Ang mga sumusunod na infographics ay nakita ko online at ginamit ko rito nang may pahintulot mula sa Interaksyon.
Sa mga pinakahuling survey, halos lahat ng mga nasa Top 12 ay kandidato na tumatakbo sa tiket ng administrasyon. Sa ngayon, dalawang kandidato lamang ng oposisyon ang posibleng makapasok sa Magic 12.
Ang Senado ba ay magiging malakas na mayorya tulad ng Lower House? Kung mangyayari ito, lahat ng tatlong sangay ng gobyerno ay magiging dominado ng mga appointees ng administrasyon o ng mga opisyal ng gobyerno na malapit sa administrasyon.
Ang kritikal na bilang na nakikita ko ay 17. Kung may 17 senador ka sa iyong hanay, madali mong mahikayat ang boto ng Senado para sa simple majority (12 + 1) at two-thirds vote (16 + 1). Natural lamang na ang lahat ng mga kasalukuyang nanunungkulan, at ang mga mahahalal na senador ay igigiit na sila ay independent, at ang kanilang mga desisyon ay hindi mai-impluwensiyahan ng sino man. Ngunit kailangan lang tingnan kung paano ang naging pagboto sa mga isyu, pati na ang pangangatwiran sa pagpasa o hindi pagpasa sa mga batas sa mga nakalipas na araw sa Kongreso at sa Korte Suprema. Kahit ang tulad kong hindi abogado ay hindi lamang minsan nagpaikot ng mga mata .
Ang tiket ng Otso Diretso ay hindi perpekto. Sa katunayan, kung ito ay ibang klase ng eleksyon, ang iba sa kanila ay hindi mapapasama sa listahan ko. Binatikos ko rin ang ilan sa kanila nang sila ay naupo sa gobyerno. Hindi ko ibinoto si Mar Roxas noong 2016 dahil sa iba’t ibang dahilan, ngunit ibang kuwento na ang bagay na iyon.
Pero hindi ito ang panahon para sa walang kabuluhang usapan.
ANG GUSTO KO AY ANG ISANG SENADONG TUNAY NA MALAYA. Maisasakatuparan lamang ito kung ang mga bumubuo ng Senado ay may makatwirang representasyon mula sa oposisyon. Sa isang tunay na demokrasya, kailangan nating tangkilikin, sa halip na patahimikin, ang oposisyon. Kung ang lahat ng sangay ng gobyerno ay dominado ng administrasyon – ng mga opisyal na kasang-ayon nito — mawawalan tayo ng check and balance.
Bilang isang dating auditor na sumuri sa maraming kumpanya sa iba’t ibang industriya, sinanay akong hanapin ang isa sa mga mahahalagang aspeto ng mahusay na internal control – ang isang mabisang sistema ng check and balance. Kung may isang sangay ngayon na may kakayahang manuri, magtanong, mag-imbestiga, at mag-desisyon – nang may wangis pa ng pagiging malaya, ITO AY ANG SENADO.
Isusugal ko ang aking kapalaran sa oposisyon ngayon. Wala silang makinarya o mapagkukunan ng mga pangangailangan tulad ng mga nakaupo sa pwesto, pero gusto ko silang bigyan ng pagkakataong lumaban. Habang pinag-aaralan ko ang kanilang mga karanasan, masasabi ko ring sila ay may kakayahang manilbi bilang mga senador.
Nasa listahan ko ang kabuuan ng Otso Diretso at dalawa pang kandidato. May puwang pa ako para sa dalawa pang kandidato na siyang pag-iisipan ko hanggang sa darating na eleksyon. Narito ang listahan ko sa ngayon (alphabetical order):
ALEJANO, Gary @GaryAlejano
AQUINO, Bam @bamaquino
COLMENARES, Neri @ColmenaresPH
DE GUZMAN, Leody @LeodyManggagawa
DIOKNO, Chel @ChelDiokno
GUTOC, Samira @SamiraGutoc
HILBAY, Florin @fthilbay
MACALINTAL, Romulo @attyromymac
ROXAS, Mar @MARoxas
TANADA, Erin @erintanada
Sa mga taong ito sa listahan ko, gusto kong sabihin sa inyo:
Kung hindi pa kayo makapagpasya kung sino ang iboboto ninyo, sana ay isaalang-alang ninyo ang mga rasong nabanggit. Sabi nga nila, kung sino ang binoto mo, siyang mapapala mo. Isipin ninyo…ano ang mapapala niyo sa mga pinili ninyong kandidato? Good luck sa magiging desisyon ninyo. Kung madasalin kayo, ipagdasal ninyo na bigyan kayo ng tamang pagpapasya. Pagpalain nawa ng Diyos ang ating bansa at biyayaan nawa tayo ng katotohanan, katarungan, at kapayapaan.
Related Posts
Making PHL tourism campaign “It’s more fun in the Philippines” work #ItsMoreFunInThePhilippines
Where is the President in times of trouble?
Creative solutions to worsening conditions along EDSA: The 40 km speed limit for buses, etc. (Part1/2)
About The Author
Jane Uymatiao
Jane T. Uymatiao is known as @citizenjaneph. She spent more than 15 years as an IT auditor/consultant at an accounting firm and another 2.5 years as VP-Head of a bank's Corporate Planning Division. She has been blogging for about 16 years now and is one of the early adopters of social media. She believes in active citizen engagement, pushing for transparency and good governance, and is often tapped to speak on social media-related topics. Her personal blogs are: yoga and wellness (yoginifrommanila.com), tech (titatechie.com), lifestyle (philippinebeat.com), and personal (janeuymatiao.com) Jane has a Master’s degree in Business Administration, major in International Business with a focus on Strategic Management, from the Wharton School, University of Pennsylvania. She is also a certified yin yoga teacher. More details at www.linkedin.com/in/janeuymatiao Updated: August 2022