What happened? A hundred or so celebrants were blocked at #link4Justice
By Mae Paner, as originally posted at her Facebook wall
Nag-umpisa ito sa Crispy Pata
Sa coordination meeting para sa Kapit Bisig mob sa Crame binusog kami ng isang well meaning na Heneral Valeroso at apat pa sa team nya, abogado ang isa. Sa C2 restaurant sa Annapolis, we were treated to crispy pata, nilagang bulalo, hito, lumpiang ubod, tokwa’t baboy, calamares at ginataang sigarilyas. Naks! Ang ayos ng usapan. Dahil People Power celebration, hindi na kailangan ng permit. Baka magpadala pa daw sila ng 200-300 na PNP para sumama at makipag link arms sa amin. Papa-aprub lang kay General Espina. Uy, wow! Na-excite ako dun! Wish ko lang di ba?
Nag status update ako at nag Twitter about it. Ininterview kami ng media, si Susan Enriquez ng GMA ang isa. On record ang suportang ibibigay. All systems go! Photo-ops of course! Smile! Pang ibidinsya ika nga!
Pero kahapon, hinarang mula Santolan ang iba naming mga kasama. Nakaharang sa EDSA ang dalawang firetruck. Ready ang mga hose. Pano na kaya ang cellphone ko nito pag nabasa? Naka full battle gear ang ilang mga pulis. Itinutulak ng ilang mainit ang ulong pulis ang ilang mga taga media. Tulakan! Madaling araw pa lang pinasara na ng MMDA ang ilang parte ng EDSA.
Sa gitnang kaguluhan tinawagan ni Nato si Heneral Garbo at pinakausap kay Bishop Pabillo. Ni hindi daw nya alam ang nangyayari sa amin. Ganun? Nang tanungin kung ano ang balak sa amin eh di pa daw nya alam. Kung beauty contest ito, lost na agad si Heneral Garbo! Di man lang naka live up sa apelyido! Chaka ng answer. Si Heneral Valeroso naman ay panay ang deadma sa mga tawag ko. Eh ang dialogue nya the day before ay he will monitor us from Taguig. Layogenic?
Ang planong human chain mula Crame hanggang EDSA Shrine sa gilid ng daan ay naging mula na sa Crame patungong Cubao. Imbes na sa gilid, sa gitna kami napunta. Imbes na isang bahagi, ang parehong Norh at South lanes ay na-occupy namin. Tila Diyos na ang nag-adya kung saan kami ipupwesto. Napaganda eh! Salamat Lord!
Mainit ang pagsagot ng mga taumbayan sa sigaw naming Noynoy Resign! May palakpakan pa!
Sa mga tanong kong
1. Sino ang takot sa katotohanan?
2. Sino ang may pinaka-malaking sala sa Mamasapano?
3. Sino ang walang bayag? Lahat ay sabay-sabay na sumagot ng Noynoy pa rin!!!
Whaaa! ?#?alamna?
Maraming mga pulis na kinikilala at may respeto sa ang aming pagtitipon. Ang sarap ng mga bato at panakaw na ngiti ng kanilang suporta. May humimas pa sa aking pulis. At guwapo si kuya. Para sa kanila, sumigaw kami ng buong lakas ng, “Sa mga makabayang pulis na para sa katotohanan, we love you!”
May mga galit siyempre dahil naabala ang kanilang pag-uwi ng mga militanteng lumalaban para sa kanila. Pesensya na po. May nai-inconvenience po talaga ang lumalaban para sa genuine change.
Majority ang gusto ng katotohanan, accountability, justice at genuine peace sa ating PNP at AFP. Pero walang magagawa ang majority na ito kung ang pinuno nila ay singbulok ng presidenteng commander in chief nila. Diyan mahalaga ang People Power! Sila ang aayuda para ang majority sa ilalim ay makalaban sa minority sa itaas.
Gusto kong unawain si Heneral Valeroso sa kabila ng inabot namin kahapon. Humingi sya ng dispensa. Ramdam kong kung siya lang sana ang nasunod hindi kami matataboy at pahihirapan kahapon. Pero trained syang sumunod sa bulok nyang boss. Heneral Garbo, ikaw ba yun?
Salamat po sa crispy pata at sa iba pa. Maaaring magtapo pa tayo muli Heneral Valeroso. Gusto ko lang malaman mo, na ang taumbayan ang tunay na kakampi nyo! Why? Dahil wala sa inyo ang tunay na power, nasa amin! Nasa sovereign Filipino people. Gets? Check check din tayo ng loyalty pag may time.
Sa mga kasama ko kahapon sa EDSA, salamat powz sa inyong lahat! Mapapasa atin ang tagumpay. Why? Because sa taumbayang niloloko, inaapi, pinagsisinungalingan at galit, ang presidenteng failure na nasa taas has nowhere to go but down! Pak!