Election2013 : No To Vote Buying !

Tila hindi pa rin nasusugpo ang pagbili ng ilang politiko ng boto sa mga maralitang mamboboto sa tuwing sasapit ang eleksyon , na para bang naging isang normal na kalakaran na sa mata ni Juan dela Cruz . Ang hindi alam ng karamihan ay ang pagbebenta nila ng boto ay nagre-resulta sa unti-unting pagsikip ng tanikala ng kahirapan at ng korapsyon na siyang gumagapos sa binti ng taumbayan na unti-unti ring nagpapabagal sa paglaya natin sa tanikalang bumalot na halos sa ating bansa —– ang kahirapan.

Kadalasan na nangyayari ang pagbili ng boto sa mga barangay elections , maliit na populasyon lamang ang binibilhan at mas maliit rin na pera ang kailangan , sa madaling salita mas maliit mas madali. O kaya naman minsan ang mga kapartidong nasa mababang pwesto ang bumibili ng boto para sa kanilang mga kapartidong nasa mataas na pwesto na tumatakbo sa eleksyon. Normal na sa ilan ang kumapit sa patalim pero ang pagbebenta ng boto’y tila naiiba , isa sa mga pinaka-bago ngunit isa sa mga ginagawang pang-kabuhayan ng ilan sa tuwing sasapit ang eleksyon. Tila ba hindi malinaw sa ilan kung ano ang pagboto , ang pagboto ay isa sa mga karapatang-pantao natin , kaya kung ikaw ay nakapag-benta na ng boto ay inalisan mo na rin ng karapatan ang sarili mo na sundin kung ano talaga ang sa tingin mo ay tama.

Ang presyuhan ng boto

May nakapagsabi sa’kin na ang pinaka-mahinang bili ng boto ay sa halagang tatlong-daang piso (300php) para sa barangay at local elections ; at halagang limang-daang piso (500php) para sa national election.  Kung gayon , lumalabas na ang pamilyang mga apat na miyembro at kung lahat ay botante maari silang kumita ng 1,400php kada barangay at local elections ; at 2000php kada national election. Partida pa kung marami ang bumili ng boto eh di tiba-tiba !.  Nagulat ako noong marining ko ang mga iyan — na mayroong presyuhan sa boto at siempre kapang mga presyo nabibili !.

Ang hindi nila alam ay panandalian lamang ang epekto ng perang kinita nila sa pagbebenta ng kanilang boto (dignidad) , kapag naubos na balik ulit sa dati. Hindi dapat tayo humanap ng panandaliang lunas sa kalam ng sikmura na nararanasan ng ilan at sa kahirapang tila nagdulot na ng sugat sa ating bansa . Bagkos , humanap tayo ng pangmatagalang lunas na hihilom sa sugat na dinulot sa atin ng kahirapan .

Ang pagbebenta ng boto ay hindi kailanman magiging solusyon sa pagsugpo ng kahirapan.

Sa mga pulitikong bumibili ng boto , aanhin nyo pa ang pwesto at kapangyarihan ninyo kung hindi bukal sa puso kayong ibinoto ng masa , papaano nyo sila papasunurin ? sisilawin nyo sila ng perang ninakaw nyo sa kaban ng bayan ?.

BUMOTO NG TAMA AT MAY PANININDIGAN , NO TO VOTE BUYING .

#Election2013

Jann is a 14-year-old senior high school student. Despite of his age, Jann has been passionate about social issues and as well as ethical issues that rocks the country and captures the interest of the public.
He likes to deal with people who are older than him and learn from them.
He called himself as “Opinionated Jann” because he can express his opinions without hesitation especially when it comes to expressing it using the social media , he believes that social media is the new way of touching peoples lives and giving them awareness.
Follow him on twitter and know him more @JannMeds

(Visited 1,212 times, 3 visits today)
Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry