Bayan Muna Rep. Neri Javier Colmenares’ manifestation on the flow of Article VII
via makabayan.net
Your Honor, after tackling Article 2 and Article 3, AND BEFORE WE EMBARK ON ARTICLE VII, WITH THE HOPE OF FACILITATING THE ORDERLY PRESENTATION AND SPEEDY DISPOSITION OF ARTICLE VII, YOUR HONOR MAY WE BE ALLOWED TO MAKE A BRIEF MANIFESTATION TO ALLOW US TO MAKE A BRIEF SKETCH ON THE EVIDENCE WE WILL PRESENT UNDER ARTICLE VII AND HOW WE INTEND TO PROSECUTE THIS?
Ang prosekusyon ay maglalahad ng ebidensya na magpapatunay sa manifest undue interest, bias at partiality ni CJ Corona:
1. Bumoto si CJ Corona pabor sa agad na pag-iisyu ng TRO dahil diumano sa right to life kahit hindi naman nanganganib ang buhay ni Gng. Arroyo.
2. Mula sa desisyon ng Korte Suprema noong November 15, 2011 na tuparin muna ng mga Arroyo ang mga kondisyon bago maging effective ang TRO, binaliktad ni CJ Corona ang desisyong ito at ginawang effective na ang TRO kahit hindi pa natutupad ang mga nakakabit na kondisyon sa TRO. The unilateral change and distortion of the decision of the Court is one of the gravest acts of partiality of CJ Corona to favor his former boss, and appointing power, Gloria Arroyo.
3. Premature at iregular na inisyu kaagad ni CJ Corona noong Nobyembre 15 ang TRO order sa petitioner bago pa nababayaran ang P2 milyong bond at hindi pa naisumite ang hinihinging special power of attorney. Kinabukasan pa lumabas ang certificate of bond. Pinaburan niya pa ang mga Arroyo nang iextend pa ang office hour para makapagpyansa ng 6:00 ng gabi ang mga Arroyo.
4. Ang muli nyang pagpalit ng desisyon ng Korte Suprema noong November 18, 2011 na hindi effective ang TRO dahil hindi naka comply sa pangalawang kundisyon si Ginang Arroyo na magsumite ng Special Power of Attorney sa boto na 7-6, tungo sa kabaliktarang desisyon na ito ay effective habang tinutupad ang kondisyon.
5. Bahagi ng pambabaluktot at upang pagtakpan ito, pinigilan ni CJ Corona noong Nobyembre 19 ang promulgasyon ng dissenting opinion ni Justice Sereno na labag sa itinatadhana ng Saligang Batas.
6. Nagpalabas si Corona ng mga inaccurate at maling pahayag sa publiko sa pamamagitan ni Atty. Midas Marquez para palabasing epektibo agad ang TRO at maaari nang lumabas ng bansa si Arroyo kahit hindi pa natutupad ang mga kundisyon.
Your Honor, these ACTS, among others, we will prove in Article 7. We will show that by his acts, CJ Corona betrayed the public trust and HE cannot, therefore, continue to remain in public office. NA ANG MGA AKSYON NI CJ CORONA BILANG JURADO AT CHIEF JUSTICE NG KORTE SUPREMA AY ISANG CONSCIOUS NA AKSYON PARA PABORAN SI GINANG ARROYO AT BIGYAN SYA NG OPORTUNIDAD NA MAKATAKAS SA MGA KASO LABAN SA KANYA.