Sa aking Ina

Sa mahigit na tatlong dekada sa mundong ibabaw,

Ibinigay mo ang langit sa mundong puno ng tunog ng batingaw,

Ang pagmamahal na luntian sa kulay ay pinamalas,

Walang makakapantay, umulan man, umaraw o harangin man ng ahas,

Lahat ay ibinigay sa aking pagkakaalam,

Laruan man o mamahaling bagay tulad ng kasuotan at masasarap na ulam,

Di alintana ang pagod sa araw araw,

Maibigay lang ang minimithi ng anak na minamahal.

 

Sa aking pagdadalaga na punong puno sayo ng pagaalala,

Ingat at payo ang aking natatanggap,

Kapag umuwi ng gabi, mula sa paglalagalag,

Luha mo ang sumasalubong sa pagaalala para sa anak,

Tatlong supling ang iyong inalagaan,

Ngunit bawat isa ay naipadama ang kahalagahan,

Busilak  na loob, sa puso mo ay nangingibabaw,

Wag gawin sa iba kung makakasakit kahit sa halimaw,

Sa diyos dasal na lamang ang ipalit,

Tanggalin ang sakit at huwag magalit.

 

Nang makapag asawa na ay puno pa rin ng pagsubaybay,

Mangibang bayan man o malayong dagat ang dumungaw,

Pinadarama pa rin ang pag ibig ng isang ina,

Para sa kanyang anak ay gagawin ang lahat at iyon ang nangunguna,

Walang kahit na ano man na pagsiphayo buhat sa iyo ang naaalala,

Lahat ng kabutihan ay natikman buhat sa mapagpalang ina,

Kung alam mo lamang na sa bawa’t luha mong nadarama,

Puso ko ay nagdurugo dahil tayo ay iisa.

 

Ngayon ang bati ko sa yo mahal kong ina,

Maging masaya at mapawi ang lungkot na sa iyo ay di alintana,

Kung kakayanin ko ang lahat ng iyong nadarama,

Gagawin ko at iyon sa binigay mo ay kulang pa,

Buhay ko ay inaaaalay tulad ng iyong ginawa para sa aming iyong mga anak,

Ngayong tulad mo ay may tatalo ring anak na umaasa at nangungusap na,

Hindi ko mapantayan ang naibigay at pinamalas mo sa iyong mga anak,

Pinipilit ko man ngunit ikaw ay biyaya ng lahat na iyong kakilala

Makamit sana ang pag ibig at ligaya na inaasam sa tuwina,

Mapawi ang hinagpis at bumalik ang ngiti sa labi na aking hinahanap hanap ina.

 

Sa ating paglalakbay dito sa mundong puno ng hirap at pasakit,

Sana ay magkasama at magkasabay na wala ng tanong kung bakit,

Nasabi ko na sayo na kakaiba ang dugo at pagiisip,

Puno ng pagmamahal sa pamilya at sa inang bayan ang iyong bukambibig,

Mahirap man ngunit nagawa lalo na kung may pag ibig,

Di alintana ang delubyo basta’t ang kamay ay magkakapit

Aking ina, ang aking hiling sa Diyos n amaykapal,

Pahabain pa ang iyong buhay dahil kami ditto ay nagmamahal,

Sa lahat ng aking kakilala ay aking laging pinagmamalaki,

Ikaw aking ina, ang nagbigay ng lahat mula ng maliit hanggang sa paglaki.