Statement of Dr. Anthony Leachon before the Senate Blue Ribbon Committee (October 19, 2021)
(We are reproducing in full the statement read by Dr. Anthony Leachon last October 19, 2021 at the Senate Blue Ribbon Committee hearing on the issues surrounding the purchases of face masks, face shields, PPEs and test kits by PS-DBM on behalf of the DOH.)
Senate Blue Ribbon Committee
Statement of Dr. Tony Leachon , Past president of the Philippine College of Physicians, 2014-2015
October 19, 2021
1. Introduction
Pagkatapos ng huling senate blue Ribbon Committee hearing 2 linggo nakaraan, nakita ko ang lungkot, hard work, and frustrations ng mga senador sa takbo ng imbestigayong ito na para sa akin ay the worst corruption in the history of the Philippines because it happens in the pandemic and involving the lead health agency in charge of saving us in this pandemic and accountable for the huge funds for healthcare workers, medical supplies, and our other needs.
2. Past president of Philippine College of Physicians Viber group discussion
Isang araw pagkatapos ng Senate hearing nakatanggap ako ng tawag mula kay ex Sec. Esperanza Cabral , sinabi niya na ang past presidents ng Philippine College of Physicians (medical organization ng internal medicine ) ay sumulat ng isang open indignation letter at the call to action message sa mga members ng Philippine College of Physicians, medical sector, and other healthcare professionals. Nabahala kami sa laki ng halaga ng involved na pera na galing sa DOH na napalipat sa PS-DBM. 42 billion pesos ayon sa COA.
Dagling na mobilize namin ang mga past and present presidents ng mga medical societies. Napaiyak kami sa tuwa dahil 6 na ex-DOH Secretaries ang pumirma sa open letter.
Sec. Esperanza Cabral
Sec. Manuel Dayrit
Sec. Enrique Ona
Sec. Carmencita Reodica
Sec. Paulyn Ubial
Sec. Jaime Galvez Tan
at mga dating Usec of DOH – Dr. Susie Pineda – Susan Pineda Mercado and Dr. Madeleine Valera
3. Press conference last October 11. Monday.
Ang tukoy ng press conference noong October 11 Monday namin at ang Indignation at Call to Action laban sa korapsyon at katiwalian sa gobyerno na gusto natin lutasin.
Ngunit may nag-iba ngayon, kung hindi niyo pa napapansin. Dati, hindi sumasali – o ayaw sumali – ng mga duktor sa mga protesta na sangkot sa pulitika. Tumulong mga healthcare professionals sa sin tax advocacy sa tobacco, alcohol, sodas, at sa UHC ( universal healthcare law).
Para sa mga duktor, ang trabaho nila ay manggamot, mag-alaga ng kalusugan ng bayan, tumulong umiwas sa sakit kahit sino man ang nagpapatakbo ng pamahalaan .
Sa pandemyang ito, maraming naglabasan na hindi maganda. Nakakabahala. Nakakalungkot. Nakakasakit ng loob.
Sa katunayan, masama.
Masamang-masama.
Kasi hindi lang hanapbuhay ang nasasakdal, buhay mismo ng tao ang nakasalalay.
Sandali lamang , sabi namin, hindi na pangkaraniwang korapsyon ang nangyayari; malaking salot na ito sa bayan natin na kasing laki ng pandemic na ito.
Ngayon, nandito kami, nag-ngingitngit na, nguinit gusto pa ring tumulong, kung may pag-asa pa. Natatakot at baka mapagalitan at mamura ng pangulo o ng presidential spokesperson, o sabihing hindi expert o gusto maghangad ng position sa gobyerno o i-attack ng mga libu-libo na trolls.
Wala na Ang takot.
Walang na ang pangamba.
Walang natira kundi galit na napalitan ng bagong pag-asa. Hindi na kami nag-iisa.
One week ago , Makati Medical Center joined in the collective call of medical communities for President Rodrigo Duterte not to block the Senate Blue Ribbon Committee probe into Pharmally Pharmaceutical Corp.
In the letter, MMC medical community, its Board of Directors and Medical Staff Association expressed their support to their colleagues for taking their stand on the ongoing Senate inquiry involving the Department of Health, Pharmally Pharmaceutical Corporation and the Procurement Service of the Department of Budget and Management.
4. Is there hope for our country ?
May pag-asa pa ba ang bayan natin kung kaming mga duktor mismo ayaw pa ring makialam? Kaya ngayon, kami ay makikialam na at magsasalita. Katulad ng Alisin sa NTF sa Pag rereklamo sa data management , transparency and lack of sense of urgency ng DOH sa ating COVID pandemic.
Last year, nang umarangkada ang mga kaso ng Covid sa mga ospital, hindi na kinaya ng mga ospital, ng mga nurses, ng mga duktor, tulad din ng hindi din pala kaya ng ating gobyerno. Hindi lang hindi kaya, hindi handa sa ganitong global pandemic! Kaming mga duktor at frontliners, nagtrabaho lang, sa hirap at sa kahirapan! Yong mga nagtago sa kani-kanilang bahay, hindi nila nakita ang hirap ng mga duktor at narses at mga pang HCW s – kulang sa PPE, kulang sa supplies, kulang sa taong makatulong, walang tulog, walang pahinga, kulang sa sweldo, habang may humihingalo at namamatay dito at diyan.
5. Medical time out , recommendations and verbal assaults
Noong isang taon, humingi ang mga duktor ng TIME-OUT. Hindi madali ang paghingi nito; sila pa yong humihingi ng tulong, sila pa yong minasama.
(!). May rebolusyon daw.
Para bang walang karapatan ang mga healthcare workers humingi ng tulong, o huminga man lang. Nangamba ang lahat, nag-dasal at hanggang ngayoy umaasa na sana mawala na itong salot na virus na ito, na malamang mas madaling mawala kesa sa salot ng korapsyon sa lipunan.
Sa halip makinig si Pres. Spokesperson Sec. Harry Roque , minura pa si. Dr. Maricar Limpin at Dr. Antonio Dans sa isang meeting ng IATF. Kami ay mamamayan ng PILIPINAS.
Ngayong taon, lalong lumalala, at bakit? Kasi maliban sa COVID-19 virus na hindi na yata aalis, napabayaan, o pinabayaan o ipinaubaya sa mga tao na wala man lang malasakit sa kapwa Pilipino na nagkakasakit, namamatayan, namamatay, nagugutom dahil walang trabaho, dahil walang pambayad ng gamut, dahil kapos ang naibigay ng gobyerno.
6. It’s all about us not only by the Philippine College of Physicians but other medical societies
Ang Expression of Indignation and Call to Action na ito ay hindi lang dapat galing sa mga duktor at health sector, dapat galing sa ating lahat. Sa bawat miyembro ng DOH at ng GABINETE.
Dahil sakit ng isa, buhay ng iba! Dahil kung sakitin ang Pilipino, anong klaseng Pilipinas ang sa atin?
Kung hindi natin mabigyan ng karapatdapat na pansin at respeto ang kalusugan at buhay ng Pilipino, babagsak ang ating ekonimiya, ang seguridad at katahimikan ng ating lipunan, ang edukasyon ng ating mga anak, ang hinaharap ng ating bansa.
Responsibilidad nating lahat, ng pribadong sector at ng gobyerno na magtulangan tayo sa paglinis ng ating lipunan ng katiwalian, ng pag-purga ng mga bulate na mapagsarili, na walang wastong maidulot sa pag-unlad ng ating bayan. Linawin na natin ang ating pag-isip, iwaswas na natin ang mga gawaing makakasama sa nakakarami.
7. SUPORTAHAN ANG SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE
Sinusuportahan namin ang Senate Blue Ribbon Committee sa kanilang imbestigasyon para matukoy ang katotohanan at maparusahan ang katiwaliang lubhang puminsala sa ating bayan.
Public office is a public trust.
Ang pampublikong katungkulan ay pagtitiwala ng publiko. Ang mga opisyal ng gobyero ay dapatmanagot sa mga tao; dapat silang magsilbi lagi’t lagi nang may kahanga-hangang responsibilidad, integridad, katapatan, at kahusayan; dapat silang kumilos nang may katapatan sa Bayan at hustisya, at mamuno nang may mapagkumbabang pamumuhay.
Ito aming inaasahan, kahit may labis, basta’t walang kulang sa tamang moral values of a Filipino citizen.
Once and for all, let’s do the right thing for our country…for ourselves, for our families , for our children, for our children’s children
In closing , I’d like to quote :
“Leadership is solving problems. The day soldiers stop bringing you their problems is the day you have stopped leading them.”
Colin Powell
Ex USA SECRETARY OF STATE
Salamat sa inyong lahat.
Anthony C. Leachon, M. D.
Independent Health Reform Advocate
Past President, Philippine College of Physicians
Chair, Kilusang Kontra Covid ( KILKOVID )