Statement by World March of Women – Pilipinas on International Women’s Day 2019
Statement of the World March of Women – Pilipinas
International Women’s Day 2019: Celebrating Hard-won Victories; Affirming the Women’s Role in the Forefront of Women ‘s and Peoples’ Struggles
Through our mass actions, public gatherings, and different forms of protest, we are commemorating this year’s International Women’s Day as an occasion to celebrate the victories that we have won and to affirm our continuing fight against forces that set us back in our hard-won struggles—forces of patriarchy, of misogyny, as embodied by President Duterte himself, his government, and apparatuses of the state.
Women and women’s movements are under attack worldwide by conservative, authoritarian, misogynistic—and even rogue—regimes. In the Philippines, President Duterte has been all out in his attack on women even before the start of his government—in his remarks that encouraged sexual violence of women and have debased women’s place in the family, community, and society; in his actions that have emboldened his fellow misogynists in government, in the private/business sector, among ordinary folk; in his policies that rob us of our human rights—even that most basic of rights, the right to live and live with dignity.
Duterte’s government has used and continues to use and conspire with the state apparatuses in its attack on women’s social, political, and economic rights:
– the police force in the execution of the war on drugs that have resulted in extra-judicial killings of more than 20,000 people in the estimates of human rights organizations, a war on drugs that is really a war on the poor aimed at ‘cleaning up’ urban poor communities and freeing these spaces that are now intended for private and commercial sector development;
– the military in its implementation of martial law in Mindanao and in bombing Marawi, a war that have also cost the lives, shelter and livelihood of innocent Muslims and indigenous peoples, a war that is also underpinned by business interests whose goal is to control the natural and economic resources of the region;
– still the military in its counter-insurgency and anti-terrorist campaigns which are being used to justify the attacks and harassment of activists and human rights defenders; and killings of community and indigenous leaders fighting for their lands, claiming they were legitimate military operations;
– the legislature in its efforts to change the Constitution in order to weaken, if not erase, its human rights provisions and open up the country’s resources to full foreign ownership and control;
– still the legislature in pushing for laws that would renege on the country’s previous commitments to human rights, such as the proposed lowering of minimum age for criminal responsibility, inaction to amend the Anti-Rape Law and place lack of consent at its centre, inaction on the anti-prostitution bill that would shift accountability from prostituted persons onto pimps and buyers;
– the legislature in liberalizing imports through rice tariffication or RA 11203, an anti-farmer law that has brought the rice industry to its deathbed, wherein big corporations only stand to benefit in importing unlimited volumes rice, when what is needed is support to local production and not to importation;
– the business/corporate sector in collusion with legislators and politicians in ensuring that the anti-ENDO law will not pass;
– the bureaucracy, such as the Department of Agrarian Reform, in overturning the gains of the agrarian reform law by allowing more land conversions.
As we continue to confront these assaults on women’s rights, victories, and advocacies, we want this International Women’s Day to be a day to affirm our role in the forefront not only of women’s but also of the peoples’ struggles. We have witnessed recently the fruit of more than two decades of work, particularly by those from the labor sector, in the signing into law of the Extended Maternity Leave and Universal Health Coverage. But we shall still press forward as women and hand-in-hand with people’s organizations and broader social movements in defending the Constitution and fighting charter change; in putting a stop to this government’s misogyny and violence against women; in winning legislative advocacies; in ensuring that the coming elections will truly be an opportunity to advance women’s and the people’s social, economic, and political rights, and not the selfish agenda of this administration.
Bagong Kamalayan Prostitution Survivors’ Collective, Inc.
BUKLOD – Olongapo
Center for Migrant Advocacy, Phils. Inc. (CMA)
Coalition Against Trafficking In Women – Asia Pacific (CATW-AP)
Foundation for Media Alternatives (FMA)
Lilak (Purple Action for Indigenous Women’s Rights)
National Rural Women Coalition (PKKK)
Partido Manggagawa (PM) – Women
Sarilaya
Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa – Sentro Women
WomanHealth Philippines
Women’s Legal and Human Rights Bureau – WLB
Youth and Students Advancing Gender Equality – YSAGE
World March of Women – Pilipinas
—-
Pahayag ng World March of Women – Pilipinas (Filipino version)
(Salin ni Erna Bagay)
Pandaigdigang Araw ng Kababaihan 2019 – Pagdiriwang ng mga Pinaghirapang Tagumpay; Pagpapatibay ng Gampanin ng Kababaihan sa Pangunguna sa Pakikipaglaban ng Kababaihan at ng Mamamayan
Sa pamamagitan ng ating sama-samang pagkilos, mga pampublikong pagtitipon, at iba’t ibang anyo ng protesta, inaaalaala natin ang Pandaigdigang Araw ng Kababaihan ngayong taon bilang isang pagkakataon upang ipagdiwang ang mga tagumpay na ating natamo at upang pagtibayin ang patuloy na pakikipaglaban sa mga pwersang pilit na humihila sa atin pabalik sa kabila ng mga naipanalong pagpupunyagi — ang mga pwersa ng patriyarkiya, ng misogyny o pagkamuhi sa kababaihan, na kinakatawan mismo ni Pangulong Duterte, ng kanyang pamahalaan, at ng mga aparato ng estado.
Laganap sa pandaigdigang antas ang pag-atake sa kababaihan at sa mga kilusang kababaihan ng mga konserbatibo, awtoritaryan, muhi sa kababaihan, at tampalasang mga rehimen. Sa ating bansa, walang patid ang pag-atake ni Pangulong Duterte sa kababaihan kahit bago pa man nagsimula ang kanyang pamahalaan — sa kanyang mga pahayag na humihimok ng sekswal na pandarahas sa kababaihan at minamaliit ang papel ng kababaihan sa pamilya, komunidad, at lipunan; sa kanyag mga ginawa na nagbigay ng lakas ng loob sa kanyang mga kapwa-misogynist sa pamahalaan, sa pribado/business na sektor, maging sa mga karaniwang mamamayan; sa kanyang mga patakaran na umaagaw sa ating mga karapatang pantao — ultimo ang pinakabatayan sa mga karapatan, ang karapatang mabuhay at mabuhay nang may dignidad.
Ginamit at patuloy na ginagamit at nakikipagsabwatan ang pamahalaang Duterte sa mga ahensya ng estado upang atakihin ang mga karapatang panlipunan, pampulitika, at pang-ekomiya ng mga kababaihan:
– ang pwersa ng kapulisan sa pagpapatupad nito ng gyera kontra-droga na nagresulta sa mga extra-judicial killings ng mahigit 20,000 katao sa pagtatantya ng mga samahan para sa karapatang pantao, isang gyera kontra-droga na sa realidad ay gyera kontra-mahihirap na nakatuon sa “paglilinis” ng mga komunidad ng maralitang tagalunsod at pagpapalis ng mga espasyong kanilang maiiwan para sa mga pribado at komersyal na sektor;
– ang militar sa pagpapatupad ng martial law sa Mindanao at pangbobomba sa Marawi sa isang digmaang ang naging kapalit ay mga nawalang buhay, pananahanan at kabuhayan ng inosenteng mga Muslim at katutubong mamamayan, isang gyerang may hibo ng business interests na ang layunin ay kontrolin ang likas at pangkabuhayang yaman ng rehiyon;
– ang militar pa rin sa kampanya nito sa counter-insurgency at laban sa terorismo na ginagamit lamang upang bigyang-katwiran ang pag-atake at panliligalig sa mga aktibista at tagapagtanggol ng karapatang pantao; ang pagpaslang sa komunidad at mga pinunong katutubo na nakikipaglaban para sa kanilang mga lupa, na anila’y mga lehitimong operasyon ng militar;
– ang lehislatura sa mga pagpupumilit nito na baguhin ang Saligang Batas upang pahinain, kundi man tuluyang burahin, ang mga probisyon nito sa karapatang pantao, at ang pagbubukas ng yaman ng bansa sa ganap na pagmamay-ari at kontrol ng dayuhan;
– ang lehislatura pa rin sa pagsusulong ng mga batas na susuway sa mga dati nang pakikipagkasundo ng bansa patungkol sa mga karapatang pantao, tulad ng iminungkahing pagpapababa ng minimum age for criminal responsibility, ang kawalan ng aksyon sa pag-aamyenda ng Anti-Rape Law at pagtutuon ng naturang batas sa “lack of consent” lamang, kawalan rin ng aksyon sa anti-prostitution bill na magbabaling ng accountability o pananagutan sa batas mula sa mga taong prostituted tungo sa mga bugaw at mga bumibili;
– ang lehislatura sa pag-liberalize o pagtatanggal ng paghihigpit sa mga pag-aangkat sa pamamagitan ng rice tarrification o RA 11203, isang batas na kontra-magbubukid na nagdala sa industriya ng bigas sa banig ng kamatayan, kung saan tanging ang mga malalaking korporasyon ang makikinabang sa pag-aangkat ng walang hanggang dami ng bigas, gayong ang tunay na pangangailangan ay ang suporta sa lokal na produksyon at hindi importasyon;
– ang business/corporate sector sa pakikipagsabwatan sa mga mambabatas at mga pulitiko sa pagtitiyak na ang anti-ENDO law ay hindi maipapasa;
– ang burukrasya, tulad ng Kagawaran para sa Repormang Pang-agraryo, sa pagbabaligtad sa mga natamo ng agrarian reform law sa pamamagitan ng pagpapahintulot ng land conversions.
Habang patuloy nating hinaharap ang mga pagdaluhong na ito sa mga karapatan ng kababaihan, sa mga tagumpay, at sa mga adbokasiya, ninanais natin na itong Pandaigdigang Araw ng Kababaihan ay maging araw ng pagpapatibay ng ating gampanin sa pangungunga di lamang sa pakikipaglaban ng kababaihan kundi ng mga mamamayan. Nasaksihan natin ang bunga ng mahigit dalawang dekada ng pagkilos, partikular sa sektor ng mga manggagawa, sa pagkakalagda bilang batas ng Extended Maternity Leave at Universal Health Coverage. Kinakailangan pa rin nating maggiit bilang mga kababaihan at makipaghawak-kamay sa mga samahan ng mamamayan at mas malawak na mga kilusang panlipunan upang ipagtanggol ang Saligang Batas at labanan ang charter change; tuldukan ang misogyny at karahasan ng pamahalaan laban sa kababaihan; pagtagumpayan ang mga adbokasiya sa pagsasabatas; tiyakin na ang darating halalan ay tunay na magiging pagkakataon upang isulong ang mga karapatang panlipunan, pang-ekonomiya, at pampulitika ng mga kababaihan at ng mamamayan, at hindi ang makasariling agenda ng administrasyon.
(BlogWatch note: minor spelling edits were made on English version of statement)