by Jann Ericko N. Medina
Siguro halos lahat tayong mga kabataan sa progresibong panahon ngayon ay mayroon ng mga accounts sa mga social networking sites , na ating ginagamit para makipag-ugnayan sa iba’t-ibang tao sa malawak na mundo ng internet. Mahihinuha natin ang lahat ng iyan sa makabagong panahon na ginagalawan ng bawat isa , lalong lalo na ang mga kabataan na maaring mahirapan sa pag-hihiwalay ng mga impormasyong patungkol sa isang isyu ng lipunan , ang iba ay maaring maniwala agad , at manindigan sa maling panig.
Ang makabagong teknolohiya ay maaaring maka-apekto sa mga kabataan , lalong lalo na sa paraan nila ng pag-lalabas ng reaksyon nila patungkol sa isang isyu. Hayaan ninyo akong i-kwento sa inyo ang aking karanasan bilang isang la-labing apat na taong gulang na mahilig kumilatis sa mga isyung panlipunan . Noong una kong marinig ang tungkol sa social networking site na Twitter agad akong nabuhayan ng loob dahil mas magandang gamitin ang Twitter kaysa sa Facebook pagdating sa pagba-bahagi ng iyong saloobin dahil mas marami ang magre-react dito ‘di kagaya sa Facebook na wala papansin sa’yo masyado kapag tungkol sa isyung panlipunan ang i-nilagay mo sa wallpost mo , pero ang halos pinag-kaparehas ng dalawa ay mas marami ang babatikos sayo kaysa sa su-suporta sa’yo , kaya dapat muna na talagang panindigan mo ang iyong kinapa-panigan sa isang isyu , kailangan natin dito ng mataas na intrapersonal and interpersonal intelligence , para walang sinoman ang maaring makapag-bago ng iyong kinapapanigan. Kapag naman nagbago ka kasi , maaring mas makakatanggap ka pa ng maraming babatikos sayo.
Bumalik tayo sa usapan , dapat ba tayong makialam sa isyu na kinakaharap ng ating lipunan?
Oo naman ! , dapat lang , dahil tayo ang mga papalit sa ating mga magulang bilang mga taxpayers at tayo rin ang maaring makapag-salba sa ating bansa sa hinaharap. Pero bakit pa natin hihintayin ang hinaharap para mai-salba ang ating bansa kung pwede na nating simulan ito ngayon sa pamamagitan ng pagpa-pahayag ng opiniyon gamit ang mga social networking sites kagaya ng Twitter at Facebook kung saan maari kang makipag-ugnayan sa mga taong may kapanig mo , nariyan ang Blogger at WordPress kung saan maari kang sumulat ng mga lathalain patungkol sa iyong pinapanigan , ipaliwanag ng maigi sa mga mambabasa kung bakit ayon ang napili mo , o kaya himay-himayin mo ang mga impormasyon para mas madaling maintindihan ng mga mambabasa mo at maliwanagan sila , mas simple mas klaro.
Ang internet ay maaring maging Mendiola ng kabataan , tungo sa pagbabago . Oras na para marining naman ang boses ng mga kabataang kadalasan ay nakakulong sa de-kahong kaisipang nilikha ng kanilang mga magulang para daw sila ay magkaroon ng tahimik na buhay. Pero para sa akin hindi solusyon na ilagay ang mga kabataan sa loob ng kahong puno ng mga magagandang imahe , mas magandang ipakita kaagad sa kanila ang tunay na lipunan , isang lipunang lugmok sa kanser , kanser na unti-unting lumalamon sa mata ng bawat Pilipino , mga mata ng Pilipinong patuloy na nakapikit at hinahayaan lamang ang kanilang mata na lamunin ng kanser , at higit sa lahat mga matang naghihintay na dumilat para makita ang katotohanan.
Gaya ng mga matang nilalamon ng kanser , kailangan muna nating laksan ang loob natin para buksan ang ating mga mata para gamutin ang kanser.
About The Author
Jann Ericko Medina
Jann is a 14-year-old senior high school student. Despite of his age, Jann has been passionate about social issues and as well as ethical issues that rocks the country and captures the interest of the public.
He likes to deal with people who are older than him and learn from them.
He called himself as "Opinionated Jann" because he can express his opinions without hesitation especially when it comes to expressing it using the social media , he believes that social media is the new way of touching peoples lives and giving them awareness.
Follow him on twitter and know him more @JannMeds
Kabataan ,Dilat Na !
by Jann Ericko N. Medina
Siguro halos lahat tayong mga kabataan sa progresibong panahon ngayon ay mayroon ng mga accounts sa mga social networking sites , na ating ginagamit para makipag-ugnayan sa iba’t-ibang tao sa malawak na mundo ng internet. Mahihinuha natin ang lahat ng iyan sa makabagong panahon na ginagalawan ng bawat isa , lalong lalo na ang mga kabataan na maaring mahirapan sa pag-hihiwalay ng mga impormasyong patungkol sa isang isyu ng lipunan , ang iba ay maaring maniwala agad , at manindigan sa maling panig.
Ang makabagong teknolohiya ay maaaring maka-apekto sa mga kabataan , lalong lalo na sa paraan nila ng pag-lalabas ng reaksyon nila patungkol sa isang isyu. Hayaan ninyo akong i-kwento sa inyo ang aking karanasan bilang isang la-labing apat na taong gulang na mahilig kumilatis sa mga isyung panlipunan . Noong una kong marinig ang tungkol sa social networking site na Twitter agad akong nabuhayan ng loob dahil mas magandang gamitin ang Twitter kaysa sa Facebook pagdating sa pagba-bahagi ng iyong saloobin dahil mas marami ang magre-react dito ‘di kagaya sa Facebook na wala papansin sa’yo masyado kapag tungkol sa isyung panlipunan ang i-nilagay mo sa wallpost mo , pero ang halos pinag-kaparehas ng dalawa ay mas marami ang babatikos sayo kaysa sa su-suporta sa’yo , kaya dapat muna na talagang panindigan mo ang iyong kinapa-panigan sa isang isyu , kailangan natin dito ng mataas na intrapersonal and interpersonal intelligence , para walang sinoman ang maaring makapag-bago ng iyong kinapapanigan. Kapag naman nagbago ka kasi , maaring mas makakatanggap ka pa ng maraming babatikos sayo.
Bumalik tayo sa usapan , dapat ba tayong makialam sa isyu na kinakaharap ng ating lipunan?
Oo naman ! , dapat lang , dahil tayo ang mga papalit sa ating mga magulang bilang mga taxpayers at tayo rin ang maaring makapag-salba sa ating bansa sa hinaharap. Pero bakit pa natin hihintayin ang hinaharap para mai-salba ang ating bansa kung pwede na nating simulan ito ngayon sa pamamagitan ng pagpa-pahayag ng opiniyon gamit ang mga social networking sites kagaya ng Twitter at Facebook kung saan maari kang makipag-ugnayan sa mga taong may kapanig mo , nariyan ang Blogger at WordPress kung saan maari kang sumulat ng mga lathalain patungkol sa iyong pinapanigan , ipaliwanag ng maigi sa mga mambabasa kung bakit ayon ang napili mo , o kaya himay-himayin mo ang mga impormasyon para mas madaling maintindihan ng mga mambabasa mo at maliwanagan sila , mas simple mas klaro.
Ang internet ay maaring maging Mendiola ng kabataan , tungo sa pagbabago . Oras na para marining naman ang boses ng mga kabataang kadalasan ay nakakulong sa de-kahong kaisipang nilikha ng kanilang mga magulang para daw sila ay magkaroon ng tahimik na buhay. Pero para sa akin hindi solusyon na ilagay ang mga kabataan sa loob ng kahong puno ng mga magagandang imahe , mas magandang ipakita kaagad sa kanila ang tunay na lipunan , isang lipunang lugmok sa kanser , kanser na unti-unting lumalamon sa mata ng bawat Pilipino , mga mata ng Pilipinong patuloy na nakapikit at hinahayaan lamang ang kanilang mata na lamunin ng kanser , at higit sa lahat mga matang naghihintay na dumilat para makita ang katotohanan.
Gaya ng mga matang nilalamon ng kanser , kailangan muna nating laksan ang loob natin para buksan ang ating mga mata para gamutin ang kanser.
Related Posts
Day 28 Highlights of the Corona Impeachment Trial: of aged sweets and sours
President Duterte asks critics: What steps are you taking to solve country’s problems?
The rise of the Leviathans : Are Duterte, Putin and Erdogan the Leviathans?
About The Author
Jann Ericko Medina
Jann is a 14-year-old senior high school student. Despite of his age, Jann has been passionate about social issues and as well as ethical issues that rocks the country and captures the interest of the public. He likes to deal with people who are older than him and learn from them. He called himself as "Opinionated Jann" because he can express his opinions without hesitation especially when it comes to expressing it using the social media , he believes that social media is the new way of touching peoples lives and giving them awareness. Follow him on twitter and know him more @JannMeds