Justice for Rochel #Justice4Rochel

By Grace Bondad- Nicholas

Isa na namang karumal dumal na pang hahalay at pagpaslang ang naganap sa bayan ng Los Banos, Laguna. Si Rochel Geronda, 14 years old, ipinanganak noong November 18, 1997 at ika apat na anak nila Leilani at Wildredo na may walo na anak ang natagpuang walang saplot, nakasakal ang jogging pants sa kanyang leeg at walang awang pinatay sa labas lamang na may layong wala pang 200 meters ng kanilang tinitirikang bahay. Kung kaya’t ang conclusion nila ay kilala o malapit lamang sa kanilang komyunidad ang salarin o mga salarin.

Papunta ng ganap na 8pm sa computer shop upang gumawa ng assignment si Rochel, nauna ang dalawa nyang kasama. Kung kaya’t naiwan syang naglalakad sa madilim at lubak lubak na daan sa pribadong lugar na pag aari ng mga Vega. 8 silang magkakapatid na ang edad ay 22, 20, 18, 17, 14, 9,8 at 7 ang pinaka bata. Sa kanyang murang idad ay nagtitinda na sya ng Sampaguita na kung saan ang tubo ay ginagamit nyang pangbili ng gamit sa eskwelahan. Ang kanyang Ina ay isang maybahay at ang ama ay cigarette vendor sa makati na kung saan ay umuuwi dalwang beses sa isang linggo sa Los Banos, Laguna.


Sa hirap ng buhay sa ngayon at sa dami nilang magkakapatid na pagtitinda lamang ang pinagkukuhanan ng ikabubuhay, apat lamang sa kanilang magkakapatid ang nagtapos ng High School. Ang Lahat ay nasa elementarya. Mahigit na isang kilometro ang nilalakad ni Rochel makarating lamang ng eskwelahan.

175 na pamilya ang naninirahan sa kanilang komyunidad na halos ay mga illegal settlers sa lugar. Nagtutulungan sina Mayor Ton Genuino ng Los Banos, Governor ER Ejercito at Vice Governor Cesar Perez sa ikadarakip ng salarin at nagtulungan sa pabuyang 100,000.00 pesos.

Ang hiling ng ilang mamamayan ay magkaroon rin ng total media coverage tulad ng nangyari Kay Given Grace na estudyante buhat sa UPLB kumakailan Lang din na naging laman ng lahat ng media outlet kung kaya’t mabilis na nadakip ang mga salarin.

Wednesday ngayong March 7, 2012 ang libing ni Rochel na magkakaroon ng misa sa ganap na ika 9am sa simbahan ng San Antonio De Padua Catholic Church, Los Banos, Laguna. Ibababa ang kanyang mga labi sa ganap na 8am ng umaga.

Ang hiling ng Ina ni Rochel Ay katarungan at mensahe nya sa mga salarin ay Ito.

“Makonsensya naman kayo sa nangyari Sa Anak ko, Meron kayong mga babae na kapatid o Anak, Kung tingin nyo malulusutan nyo ang batas sa lupa, ang batas sa langit ay mas higit na kaparusahan ang inyong matatangap.”