Isang napakabigat na problema sa isang komyunidad na ang pagbabatayan ng moralidad ay trabaho tulad ng prostitusyon o pananamit ng maiksing palda, seksing kasuotan o di nakasanayang mga damit pampaligo sa beach na sa mata ng ilan ay nakapandidiri o malaswa.
Sa panahon ng makabagong teknolohiya katulad ng pag gamit ng Internet na nagsisilbing tulay upang maging mabilis ang komyunikasyon na isang pagpapatunay ng galing at talino ng mga kasalukuyang mamamayan ay Tila napapakinabangan naman ng mga elementong kriminal.
Isa ang networking site na Facebook sa sikat at pinagkakaabalahan ng lahat sa ngayon. Nakakapag palitan agad ng mensahe ang mga nagkalayong magkaibigan o magkamaganak. Ngunit ano ang dinudulot Kung mga estranghero ang nakilala? Sa mga napabalita sa ngayon, may na rape, napatay, naholdap o nalulong sa bisyo dahil sa pag gamit nito. Ngunit iyan ay ilan lamang sa negatibong resulta. Sa isang banda, ang tunay na motibo ng Facebook ay mabilisang komyunikasyon
Na makapagbibigay ng saya at mapakinabangan ito sa kahit na anong paraan maging negosyo o pakikipagkaibigan.
Maraming naidulot sa aking positibo ang Facebook. Sa negosyo, nagkaroon ako ng mga proyekto sa pabahay. Nakasama at nakilala ko rin ang mga taong pareho rin gaya ko ng paniniwala at paninindigan. Nagkalapit muli at nakasama ko sa binuong reunion ang mga klasmeyt ko ng elementarya. Nakakausap ko ang malalayong kamaganak na nasa ibang lugar at nakabuo ako ng ibat ibang grupo na nag aabokasiya sa katapatan, ikagaganda at kalayaan ng bayan.
Dahil sa Demokrasyang ating pinakikinabangan sa ngayon. Tunay ngang ito ay isang positibo na dapat nating ipagpasalamat at naipapakita natin at naisasabuhay ang katapatan at kayang ipagsigawan, isulat at ikalat ang nasasaloobin. Ngunit ano ang batayan ng isang tamang gawain Kung sa mata ng iba ay tama at sa ibang pananaw ay nakagawa ng taliwas sa moralidad o turo ng paaralang nakamulatan?
Ilang estudyante sa Cebu
Na nag post ng nakabikini sa kanilang pribadong Facebook account ang Hindi nakasama sa pagtatapos na selebrasyon sa eskwelahan dahil taliwas sa mata ng mga administratibo ang kanilang ginawang kasiyahan. Sa ngayon ba ay sakop ng eskwelahan Kung ano ang gagawin ng estudyante sa labas ng paaralan? May karapatan ba na ipa imprinta ang litrato ng magaaral at ireklamo ito sa eskwelahan dahil sa palagay ng iilan ay nakapagdulot ng kahihiyan sa eskwelahan o labag sa alinsunod na pamamalakad ng ng administrasyon nagtuturo ng kagandahang asal, pagmamahal sa kapwa, pagmamalasakit at pagpapalaganap ng karapatan at kalayaan?
Sa isang eskwelahan, tama bang panghimasukan ang karapatang magsalita sa pamamagitan ng Facebook ang isang estudyanteng tumutulong kapag may sakuna, tumutulong sa ibang estudyante at nagpapakita ng katapangan sa pakikipaglaban sa karapatan at kalayaan? Kung sa tingin ng isang nagmamataas at gumagawa ng tama na ang pagpigil sa estudyante upang makapagtapos ng pag aaral ay alinsunod sa patakaran ng eskwelahan o patakarang pansarili lamang, manapay mawalan na ng saysay ang pinaglaban ng bayaning galing at buhat sa sariling bayan.
Isang taliwas sa katapatang pangtao ang pumigil sa edukasyon. Kung sa kababaihan, Ito ay taliwas sa “Anti Violence Against Women and Children Act” o AVAWC na nakasaad na isang uri ng pang aabuso ang pagpigil o pagiging sagabal sa isang Tao sa minimithing pagtatapos sa pag aaral. Ano ang karapatan ng iilan na pigilan ang estudyante na magkaroon ng magandang buhay sa pamamagitan ng edukasyon? Sa panahon ng kahirapan, ang pagpasok sa eskwelahan sa ngayon ay isa ng napakalaking bagay na maituturing. Sa taas ng tuition at hirap upang makahanap ng pantustos sa pag aaral, anung karapatan ng iilan na maging tinik at sagabal sa isang estudyante na makapagtapos ng pag aaral?
Facebook ay isang napakagandang pamamaraan upang maipakita ang demokrasya na ipinaglaban ng mga anak ng bayan na dugo at kamatayan ang naging puhunan. Isang pamamaraan na sa mata ng iilan ay panglaro o isang walang kwentang pagtatapon ng oras lamang. Sa isang estudyante Gaya ni Maria na pinigilan sa minimithing paglalakad sa entablado upang makuha ang diploma na pinaghirapan ng ilang taon sa eskwelahan at simbulo ng pagtaas ng antas sa sarili, ang pagpigil bang Ito ay isang moral na gawain at batay sa batas?
Isang Maria ang nagtatanong. Ano ang idinulot sa iyo ng Facebook?
About The Author
Grace Nicolas (edited by Noemi Lardizabal-Dado)
http://www.empoweredgrace.blogspot.com
Ano ang idinulot sa iyo ng Facebook?

Related Posts
“I have nothing to gain, but everything to lose”- Chief Justice Corona
7 reasons why Duterte critics still fail to make a dent (Part 2 of 2)
Manny Pacquiao alleged Boracay West Cove’s lounge sits on top of cemented age old rock formation (updated)