by Luisa Reyes
Ipinanganak ako limang taon na ang nakakalipas matapos ang EDSA revolution. Wala akong kaalam-alam dito, ngunit habang tumatanda ako, dilaw ang kulay na nangingibabaw. Sa aming bahay, puros mahahalimuyak na salita ang aking naririnig tungkol sa kulay na ito. Hanggang sa loob ng eskwelahan ko na hawak ng mga madre, may makikita ka pang litrato ng babaeng nakadilaw. Wala akong makitang masama sa kulay na ito. Kumbaga, they can do no wrong.
Hanggang sa pera, sila pa rin ang nakikita ko. At sa TV, sila pa rin ang namumuno. Wala talagang kawala, kaya wala akong magawa kung hindi sumamba na rin sa kanila.
Tumapak ako ng high school, at dito pinag-aaralan naming ang mga naiwang pamana ng mga nagdaang pangulo ng Pilipinas. Bago magsimula ang klase, sinasabi ng guro na dapat kwestyunin lahat ng hinahain sa amin. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko noon at bigla ko siyang tinanong “May nangyari po ba sa administrasyong Aquino? Wala po kase ako masyadong mabasa tungkol dun eh”. Ang sagot na nakuha ko ay hindi kanais-nais, kase wala namang laman “ Binigyan niya tayo ng kalayaan, yun ang kanyang pamana”.
Talaga? Binigay niya iyon sa atin? Kase ayon sa nabasa ko, ang mga mamamayang Pilipino ang lumaban at nakakuha nito. Pero hindi ako makapagsalita ng malaya tungkol dito, dahil kahit saan ako pumunta dito sa Pilipinas, hindi ata katanggap-tanggap ang magsalita ng masama tungkol sa dilaw. Sasabihan ka kaagad na maka-Marcos at Martial Law. Wala daw akong utang na loob sa pamilya na nagbigay ng pangalawang buhay sa Pilipinas. Talo talaga ako.
Tumungtong ako ng kolehiyo na gutom na gutom para sa plataporma ng malayang paghahayag ng ideya. Ngunit hindi ko pa rin ito nakuha. Tahimik na ang mundo sa kolehiyo tungkol sa kanila, hindi sila pinag-uusapan. Walang may paki.
Noong 2010, nagbago ang lahat. Akala ko wala na rin akong paki, ngunit dahil nabuhay na naman ang kulay dilaw, nabuhay din ang mga tahimik na boses na nagtatago ng kanilang tunay na saloobin. Ang bawat klase na hango sa departamento ng kasaysayan at pulitika ay nagiging plataporma upang pagsabihan kameng mga kabataang boboto sa unang pagkakataon. Ngunit kahit nagsasalita sila, maingat pa rin sila sa kanilang mga sinasabi. Walang deretsuhan na pagsasabi ng kanilang nalalaman.
Matapos ang eleksyon, nakita ko na ang katotohanan: Nabubulag nga ang ating bansa sa dilaw. Ilang taon na ang nakakalipas, wala pa ring kupas ang pagdanak ng kulay na ito sa puso ng mga Pilipino.
Ngayong kakalipas lang ng selebrasyon ng EDSA, napadaan ako sa library ng aking pamantasan. May isang blackboard doon na may tanong “ What do you think of the EDSA Revolution”? Hindi ko ito pinansin, wala pang nakasulat noon. Inisip ko na mag-isa lang naman ata ako na hindi nahuhumaling dito.
Ngunit, pagbalik ko matapos ang ilang araw, nakita ko ang mga saloobin ng mga kapwa estudyante ko. Lahat ay may iba’t-ibang opinyon, ngunit walang nabubulag sa kulay na nangingibabaw. Akala ko ako ay nag-iisa, akala ko wala nang may paki.
Hindi lang pala ako ang sawang-sawa na sa mundong dilaw.
Luisa Reyes is a Philippine Studies Major in Filipino and Mass Media student of DLSU . She tweets at @scaredpotta.
Isinilang sa mundong dilaw

Related Posts
@PresidentNoy forthcoming imprimatur on the mining executive order
Social Media Part 2: Defense against the dark digital arts
Assessment of Duterte’s FOI and the next steps
About The Author
Ysa Reyes