Kalamidad at Disiplina

 

May nagawa na bang pagbabago simula noong mga nakaraang delubyo na pumasok sa bansang Pilipinas mula noong 2006 na tinawag nating Milenyo, noong 2009 na tinawag nating Ondoy at sa ngayon na 2011 ay tinawag nating Pedring na ang pinsala ay umabot sa 1 bilyong piso? Sa gagaling ng ating mga itinalaga sa bayan, may nakapag isip na ba upang masolusyunan ang damdamin ng mga nagsisipagyo nating kababayan dulot ng pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay at pagkawala ng kanilang pinagkakabuhayan sa araw araw?.

Bukambibig ng magigiting nating nakaupo sa bayan  kung paano maluljutasan ang mga panganib na sa atin ay di maiiwasan tulad ng “prevention” at pagpapalawak ng kaalaman ng ating mga kapatid upang malaman at matugunan ang kanilang pangangailangan sa oras ng kalamidad. Sa itong Barangay, may narinig ka nabang hakbang simula noon hanggang ngayon ng mga nararapat na lunas? O baka naman sa dami ng trabaho upang maiangat ang estado ng buhay ay wala ng pakialam kung mayroon mang panawagan ang lokal na pamahalaan. May nakakabit bang Tarpolin sa harap ng inong plaza na nagsasabi na magkakaroon ng pagtitipon para lubos na maliwanagan ang komyunidad tungkol sa mga sumusunod:

  1. Republic Act 9003
  2. Climate Change
  3. Disaster Prevention
  4. Damay mula sa lokal na pamahalaan sa oras ng kalamidad
  5. Relief operations

 

Di natin maiwawaglit na napakaraming pondo ang nakalaan buhat sa gobyerno sa oras ng delubyo, ngunit bakit mas ninanais pa ang pag resulba pagkatapos ng kalamidad kesa sa pagiisip ng solusyon upang maiwasan ang ganitong di inaasahang pagkakataon? Oo nga at isang natural ang pangyayari ngunit napag isip isip mo naba na maaaring makaiwas sa isang malakihang kalamidad kung may disiplina lamang ang bawat isa tulad ng mga sumusunod:

  1. Wag gawing sariling basurahan ang lansangan na kapag nagustuhang magtapon habang nakasakay ng jeep ay basta na lamang ihahagis sa labas habang rumaragasa ang jeep na sinasakyan.
  2. Mahirap bang gumamit ng Reusable bag kesa disposable plastic bag sa grocery na hindi nabubulok?
  3.  Mahirap bang iayos ang iyon sasakyan upang hindi magbuga ng nakakamatay na usok mula sa tambutso na iyong minamaneho araw araw lalo na ang mga pampasahero nating nakikita sa daan na akala mo ay hari ng kalsada?
  4. Mahirap bang antayin ang truk na kumukuha ng basura sa iyong lugar kaya ka nagtatapon sa ilog sa iyong likod bahay na pumapatay sa mga isda at nagbabara sa mga “drainage disposal?”.
  5. Mahirap bang ilagay sa loob ng iyong bag ang plastik na nakabalot sa chewing gum na iyong nginunguya kaya basta mo na lang itatapon kahit sang lugar na para bang may sarili kang janitor na mglilinis sa iyong kalat?

 

Sa lahat ng paraan, disiplina ang kailangan. Nanaisin paba natin na magbuwis ng buhay ang iba nating kababayan sa kapabayaan mo at sa pagka wala mo ng disiplina? Oo nga at mahirap mag aral o makatapos sa kolehiyo ngunit simpleng simple lang naman ang hinihingi ng iyong kapaligiran, itapon ang kalat sa tamang basurahan o lalagyan. Mahirap bang gawin ito? Tagalog naman ang ating usapan, siguro naman ang mayorya ay maiintindihan. Mahirap ba talagang magkaroon ng disiplina o sakit na ng kulturang pinoy? Mahirap ba talagang gumawa ng tama? Magisip ka Juan.

http://www.empoweredgrace.blogspot.com

(Visited 158 times, 1 visits today)
Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry